Chapter7 - How's my Christmas Break?

523 29 7
                                    

Ephesians 3:20-21 Now all glory to God, who is able, through his mighty power at work within us, to accomplish infinitely more than we might ask or think. Glory to him in the church and in Christ Jesus through all generations forever and ever! Amen.

Cha's POV


With my sunglass coupled with my varsity jacket, I'm sitting like a boss while Vince is driving beside me.  Alila ko siya sa isipan ko. Yeah! Ang saya isipin nun. *evil grin


Anong meron? Papunta kami sa isa sa mga beach resort nina Vince. Dito daw muna kami para makapagbakasyon at medyo malayo ito ng konti sa site ng construction na sabi niyang may malaki siyang ginagampanan at kung wala siya ay walang mangyayari sa project, pagmamalaki niya. Ang yabang tlaga.  Gusto daw niya na maiba ang atmosphere at dahil sa Christmas break pa pumayag ako. Medyo excited pero syempre di ko pinapakita kay Vince, asarin pa ako nun.


Di kalaunan ay tumigil kami sa harap ng hotel.


"Andito na tayo. I made reservations, 401 ka at 402 ako. If you need anything, you can just call me or the hotel manager. I told them to give you VIP treatment so everything will be fine." Vince assured me. He is wearing white v-neck shirt and jeans at parehas kaming naka-sunglasses. Kahit taglamig, parang summer ang get-up namin. Nakakatawa lang.


"Alright." I told him and tried my best not to look at him too much. Ang pangit kasi ng katabi ko, sobra.


May lumapit na bellboy kay Vince, binati siya at kinausap niya din ng ilang minuto pagkatapos ay umalis na din ito. Bumalik ang tingin sakin ni Vince kaya napatingin ulit ako sa kanya.


"Meron akong pupuntahan kaya baka gabihin ako pero kung aabot ako sabay tayo mag dinner." He said and fixed his hair in the mirror. Napansin ko sa likod ang iba pang mga bellboy na kinukuha ang mga bag namin sa compartment.


"Okay." At bumababa na ako ng kotse. "Bye Cha, see you later." pahabol niya habang sinisilip ako sa bintana at umalis na.


<(^,^)> Beach


HERE I COME!!


Pumasok na ako sa hotel para magcheck-in. Nakausap ko ang concierge at tinanong ako ng konti tungkol sa pangalan ko. Nabanggit din niya ang pangalan ni Vince. Matapos ayusin ang booking ay muli siyang humarap sakin.


"I am please to meet you Ms. Cortez. You have reservations on VIP Suite 401. Here's the key. Welcome to Amaranth Hotel and enjoy your stay here." magalang niyang bati sakin at ibinigay  ang susi. Then another guy in a uniform came to me to get my stuff.


"This way Ms. Cortez." Sabi niya sakin at sumunod lang ako sa kanya. They are really nice, I thought to myself and smiled to them.


Ang ganda naman ng hotel nila dito. Sosyal at ang laki ng chandelier, ang ganda lahat. Sosyal pero nandun pa din ang feeling na maaliwalas at fresh. Ramdam pa din ang beachside feeling. May mga paintings sa wall at carpeted lahat ng dinadaanan namin. Sumakay kami ng elevator at bumaba sa 4th floor. Seryoso ang ako ng elevator at kumikintab pa sa linis.

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon