Chapter20 - Cedric's game

246 20 9
                                    

Proverbs 3:5 - Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.

Cha’s POV

Pinagmasdan ko ang mga mata niya, ang mga mahahaba niyang pilik mata, ganito na talaga kami kalapit sa isa’t isa….

..

..

..

Hanggang sa kusang pumikit ang mga mata ko habang pinakikiramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko..

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGG

Tunog ng cellphone na nanggagaling kay Vince. Agad akong bumalikwas ng upo at tumingin sa kabilang side. Napaatras naman si Vince at dali-daling kinuha ang nagri-ring na cellphone sa bulsa.

ANONG NANYARE?!

Were we supposed to be kissing?!

Cha!!! Bakit ka pumikit?! Bakit?

Are you waiting for that to happen?!

Napapikit ulit ako. Tsk.

Hindi ko maintindihan ang utak ko at ang nararamdaman ko dahil obviously magka-iba sila ng sinasabi. >_<

Napakagat ako ng labi thinking what would happen if we really did that.  Would I like it or hate it if Vince really kissed me and that stupid phone didn’t ring? Gassh. Bakit galit ako sa nag-ring na cellphone?!

Bumalik ang tingin ko kay Vince na hawak ang cellphone sa di kalayuan. Nakatalikod siya sakin. Natapos na pala ang sky lantern at tapos na din ang gabing ‘to. Then I heard something in the bushes far behind me. Parang may kamaluskos ng konti. Tumayo ako para tignan at habang papalapit ako sa mga halamanan  malapit sa pintuan na pinasukan namin, naramdaman ko ang kamay ni Vince sa balikat ko.

And I held my breath in that moment. I don’t know how to react after what happened. =_=

“Guests are leaving now and we need to go downstairs, hinahanap na nila tayo.” He said in a cold manner and walked right away.

Tulad nga ng sinabi ko, hindi ko alam kung ano ang ire-react. Sinundan ko na lang siya at nagtungo na kami sa baba.

Naabutan pa namin ang ilang guests na bumabati sa parents ni Vince. They looked really happy at the same time tired.  Si Vince naman, hindi pa rin niya ako tinitingnan pamula kanina at dirediretsong lumakad papunta sa kanila. I felt something has changed between us. AIssh. Syempre naman. >_>

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon