Chapter34 - Extraordinary

140 20 9
                                    

Tribulation produces perseverance; and perseverance, character;and character, hope.

-Romans 5:3-4

Cha's POV

May naririnig akong iyak. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang sarili sa labas ng bahay namin. Isang babae ang umiiyak at galing 'yun sa loob ng bahay.

Habang palapit ako ng palapit sa pintuan, mas nagiging pamilyar ang boses. Mas nagiging pamilyar ang kanyang mga hikbi.

Parang naranasan ko na 'to dati.

Parang ginawa ko na 'to.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok pero walang tao sa sala at patuloy pa rin ang pag-iyak.

Pumunta ako sa kusina pero wala pa ring tao. Lumakad ako papunta sa kwarto ko pero nakalock ito. SInubukasn kong hanapin ang susi sa aking bulsa pero wala akong nakita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nadaanan na din ang kwarto ni Kuya at tulad ng ibang kwarto, sarado rin ito.

At ngayon hindi lang iyak ang naririnig ko kundi sigaw ng babae. May tinatawag ito pero hindi malinaw ang kanyang mga salita.

Nakarating ako sa huling silid ng bahay.

Ang kwarto nina Mama at Papa.

Bukas ang pintuan at habang papalapit mas lumilinaw ang pagiyak at pagtawag niya.

Tumigil ako saglit. Alam ko kung sino ang umiiyak. At alam ko rin na sa oras na pumasok ako ng kwarto, kailangan kong maging matatag, kailangan kong palakasin ang loob ko, kailangan ko siyang patahanin.

Humakbang na ako papalapit ng pintuan at tuluyang binuksan ito.

Nakita ko siyang nasa sahig at nakaupo.

'Kakayanin mo 'to Charlotte para sa kanya' yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko sa tuwing naabutan ko siyang ganito sa bahay.

"Ma.." tawag ko sa babaeng umiiyak habang hawak ang isang wedding picture.

"Mia..anak.." tugon niya at iniabot ang dalawang kamay sakin. Lumapit ako at niyakap siya.

'Pigilin mo ang luha mo Charlotte. Hindi kailangang makita ni Mama na umiiyak ka, na nasasaktan ka din sa mga nangyayari kasi mas lalo lang siyang mahihirapan.'

"Ma.." tangi kong nasabi habang hinahaplos ang kanyang likuran. Alam kong hindi gagaan ang loob niya anuman ang sabihin ko.

Dahil hanggang ngayon, siya pa rin ang hinahanap niya.

Si Papa pa rin.

"Dumating na ba ang Papa mo? Nakita mo na ba siya?" tanong niya sa sakin na may pangungulila.

Yan ang paulit-ulit na tanong ni Mama sakin sa tuwing darating ako ng bahay. Naniniwala kasi siyang babalik si Papa.

Pero ako?

Wala na akong pakialam sa kanya.

Dahil matagal ko ng itinanim sa utak ko pamula ng umalis siya na wala na siyang babalikang Mia Charlotte.

Una niya kaming itinakwil kaya dapat lang na itakwil na din namin siya.

Ni hindi ko na rin mabanggit ang pangalan niya at hindi ko na rin mabigkas ang salitang 'Papa'

Kasi..

Andun pa din ang sakit..

At ang mapait na katotohang iniwan niya kami.

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon