Chapter4 - A date in the market(lol)

615 33 15
                                    

Isaiah 40:31 But they that wait upon the LORD shall renew their strength; they shall mount up with wings as eagles; they shall run, and not be weary; and they shall walk, and not faint.


Cha's POV


Sunday ngayon at hindi makukumpleto ang araw ko ng hindi sumisimba. 



Sunday is family day right?


I shook my head and glanced at the window. Nkakalungkot na wala na si kuya. Hayys. Nakakamiss.


Di bale, kasama ko naman si Andrei. Masaya na din kahit paano.


Makakain na nga ng almusal. Tinapay na may palamang peanut butter ulit ang nasa isip kong kainin. At kahit paulit-ulit hindi nakakasawa. Favorite eh. Pagkadating ko sa kusina, medyo nagulat ako kasi hindi ako sanay na si Vince ang kauna-unahang nilalang na makikita ko. Muntik ko ng makalimutan na andito pala siya. Hayys. Umagang-umaga, sira agad.


"Vince, anong hinahanap mo dyan?"


"Pagkain, malamang"-Vince habang binubuksan ang ref at mga cabinet. As in lahat nakabukas at kita niyang walang laman. Nastress tuloy ako.


"You have no food?" pagtutuloy niya.


"Sorry to disappoint you, Vince, pero as you can see (na malamang kitang-kita niya sa mga nakabukas na cabinet) mag-isa lang ako madalas sa pagkain kaya  bumibili na lang ako sa labas." Sabi ko na parang FYI na tono.


"Makes sense. Hay, gutom pa naman ako. Pagtimpla mo nga ako ng kape."Vince replied and sit like a boss.


Aba? Bahay ba niya 'to?!


"Hoy, hindi mo ako katulong no! Kung maka-utos. "


"Ipagtitimpla mo ba ako o hindi?"seryosong tingin ni Vince.


"Fine." mukhang gutom na nga siya. Nahiya naman ang ref ko. Sanay nga pla siyang laging may masarap na almusal na nkahain sa mesa. Rich kid. 


"Eto, mag-tinapay ka muna." At binigay ko sa kanya ang isang balot ng tinapay. May mga ilan pang piraso 'yun at siguro naman kasya na samin dalawa. Nakain na kasi namin ni kuya ang iba e. "Tapos may palaman dyang peanut butter."Tinuro ko yung cabinet sa tabi.


Hindi siya umimik at agad kinuha ang peanut butter at tinapay habang ako ay nagpainit na ng tubig para makagtimpla ng kape at gatas naman para sakin. Hindi kasi ako nainom ng kape, si kuya Micky lang. Pumunta na ako sa dining table, ibibigay ko na sana ung kape niya kaya lang napansin ko yung.. yung..


"Vince! Bakit mo inubos ang tinapay! Wala na akong almusal! Arghh!" anas ko habang hawak ang kninang may laman na lalagyan ng tinapay. At kahit baliktarin ko pa, wala na. Wala ng tinapay. Inubusan niya ako ng almusal.

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon