Jas 1:2: Consider it pure joy, my brothers, whenever you face trials of many kinds,
Cha's POV
"I am with my brother.." Sophia.
Magkapatid sila?!
Aissh. Kaya pala may pagkakahawig sila..
ng ugali.. >_<
Joke. Hehe.
"He's my younger brother, Cedric."- Sophia. Ngumiti sa akin si Cedric at iniaro ang kamay.
"I am Cedric Stephen Urstoff Mendez. And you are?"
Wala sana akong balak kamayan siya pero baka magtaka pa si Vince kung bakit at tanungin pa ako.. ayoko pa namang magpaliwanag. >_>
"Mia.." tipid kong sagot. Only close people can call me on my second name. Ganoon na talaga, kahit sina Vince at kuya Micky, mas sanay kami na second name ang tawagan.
Nakipag-shakehands ako sa kanya pero dahil sa playboy siya, hinalikan pa ang kamay ko and winks at me. Agad ko namang tinanggal ang pagkakahawak niya sakin.
"Mia, what a beautiful name.." tugon niya. Curious ako sa iniisip ng isang 'to. Kakaiba kung makangiti e. >_>
Narinig namin nagplay ang isang romantic music at nag-dim ang ilaw. May ilang nagbulungan at nagsalita ang tagakumpas ng orchestra.
"It's time for the stars of the night.. may I call the happy couple, Mr. And Mrs. Lopez , to honour the first dance." lumapit naman ang mga magulang ni Vince sa dancefloor kasunod ang spotlight sa kanila. Habang papunta ay may mga bisitang kinawayan at kinamayan, binabati sila. Pawang masaya ang mag-asawa. Nakakatuwa naman silang tignan.
"Let's give it up for Mr. Erickson Harold And Mrs. Marie Antoniette Lopez." Nakatuon lahat ng atensyon dahil sa spotlight sa kanilang dalawa. Nagpalakpakan ang lahat at nagsimula ng tumugtog ang simpleng classical music at nagsayaw na ang mag-asawa.
Biglang sumagi sa akin ang mga magulang ko.
kung buhay pa sana si mama..
ganito rin kaya sila ni Papa?
Flashback..
3 years ago..
"Pa.. wag niyo po kami iwanan!! Papa.. paano na po kami? Paano nap o si Mama..." naiiyak kong sabi habang nakikita kong inilalagay ni Papa ang kanyang mga damit sa malate samantalang si mama naman ay nakahandusay sa tapat ng pintuan ng kwarto at umiiyak.
Katatapos lang nilang mag-away.. natuklasan kasi ni Mama na nabuntis ni Papa ang kabit niya.. hindi sa amin sinabi ni mama kung sino at wala din akong balak alamin dahil baka kung ano pa ang magawa ko.. Pilit namang inaalam ni Kuya kung sino pero sabi ni mama mas mabuting hindi na lang namin malaman.. para daw ito sa kapakanan namin..
Hindi lingid sa kaalaman namin na may babae si Papa.. alam na ito ni Mama.. 4 months ago..
Pero dahil sa mahal na mahal ni Mama, namin.. si Papa.. hindi sila naghiwalay at sa apat na buwang nakalipas..
unti-unting nasira at nawasak ang tahanan kong tinatawag..
May araw na hindi umuuwi si Papa at maraming beses kong naririnig si Mama na umiiyak sa kwarto lalo na 'twing gabi at wala si papa. Nakikita ko na lang ang sarili kong pinapatahan siya at sinasamahan hanggang sa makatulog.. At kahit sa pagtulog, may tumutulong luha pa rin si Mama. Doon ko naintindihan kung gaano kasakit ang nararamdaman niya..
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Slow update)
Teen FictionYou promised you won't dare to fall in love but what if one day your childhood mortal enemy/rich and incredibly handsome prince once again came into your life to stay with you in one roof? And take note, you also have a guy best friend who secret...