Chapter18 - The Elite's Party

468 30 14
                                    

Heb 4:12: For the word of God is living and active. Sharper than any double-edged sword, it penetrates even to dividing soul and spirit, joints and marrow; it judges the thoughts and attitudes of the heart.

Cha's POV

Pagkaalis nina Bianca ay dumiretso na ako papasok sa mansion nina Vince. This is not just a resthouse and definitely not a house. May mga ushers akong nakasalubong na nagturo sakin ng mismong hall. At pagpasok ko sa pinaggaganapan ng celebration, bumungad sakin ang malaki at kumikinang na chandelier na parang lahat kumikinang. May mga lalaki at babaeng nagkukwentuhan at nagtatawanan. May mga gumagalang mga waiter na may mga dalang cocktail drinks. Sa gilid ng staircase naman ay may orchestra at katabi nito ang mga sumasayaw na matatanda at bata. Makikita mo din kung gaano ka-elegante ang mga tao at mararamdaman mong hindi simpleng tao ang nakakasalamuha at nakakabangga mo. Magaganda at kakaiba ang mga suot nila.

Tama si Bianca hmmm, sa damit at sa LAHAT! Grabe lang. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong bagay. Alam ko at ramdam ko ang kaibahan ko sa kanila. *sigh

+_+ dinner daw sabi ni Vince. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong dinner, talo pa nito ang prom namin nung highschool. Tsk. Naku, patay talaga 'yun sakin! Asan na ba siya? Hindi na ulit siya tumawag sakin. Medyo late na din ako nakarating so nakapagtoast na at nakakain na ang iba.

Gaah, para akong naliligaw sa itsura kong ito. Sa fountain ko daw siya puntahan e. E asan ba ang fountain, sa loob ba 'yun o sa labas pa? Talagang expect the unexpected talaga. Aissh. Pero higit sa lahat naniniwala akong mahahanap ko siya gamit ang navigation skills ko.

After a while.....

Maya't maya namang may nag-aalok sakin ng drinks. Grabe talaga. Hindi ko mahanap si Vince at 'yung sinasabi niya. Tawagan ko na nga. >_>

Pumunta muna ako sa terrace kung saan walang tao at medyo tahimik. Di-nial ko na ang # ni Vince at nagri-ring naman pero walang sumasagot. Arghh. Nag-dial ulit ako. Sumagot ka Vince. Sumagot ka! Tsk.

All of a sudden, may bumulong sa kabilang tenga ko ng "Geting bored already?" TSKKK! Kung sino man yun, humanda sakin! >:0

Pagharap ko, nakahanda na ang kamay ko para sampalin kung sino man ang pangahas. Pero agad siyang nakalayo at parang naka time out ang kamay.

"Ooops,bawal yan. Not the face, it's priceless." sabi ng lalaki na talagang nagmamalaki pa at hinahaplos-haplos ang mga pisngi.

At si ako naman, parang sasabog na sa galit dahil sa kayabangang taglay nitong kaharap ko. Agad kong tinadyakan ng malakas ang paa niya at napaaray naman siya. Hindi pala pwede ang mukha, okay. Plan B. >_>

 Napaaray siya sakit at agad lumayo. "Don't you know me huh?!"- tanong niya habang iniinda ang sakit.

"Hindi, bakit sa tingin mo ba kailangan ko pang pag-aksayahan ng panahon ang isang katulad mo at alamin kung sino ka pa ha?!"- galit kong sabi sa kanya. AISSSH!

Paalis na sana ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko at niyakap ako?! Aba, bastos talaga ang mayabang na ito ah?!

"Hindi mo ba tlaga ako kilala? Paano nangyari 'yun? Hehe." -pabulong niyang sabi at kailangan ba talagang makilala ko pa siya?? Pinilit kong kalasin ang pagkakayakap niya sakin pero ang higpit e. Argggh.

"Huwag kang malikot..at dahil sa kakaiba ka, hayaan mong magpakilala ako sayo. It's a privilege to know me and this hug...Ako lang naman s....

Cedric a.k.a. The Rebel Emperor"

O_o???

Hindi ko pa din siya kilala. Pero duh? Like I care? E ang hangin ng taong 'to! May pagyakap pa.

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon