Maxine Valdez
Nagising ako ng medyo maaga. I don't know why. Baka gusto lang talaga ng katawan ko na takasan at hindi na makita pa si Mommy. You know, it hurts too. It hurts every time I answer back harshly but I cannot do anything because it has to be that way. Hindi ko na kasi alam kung paano pa ipapakita sa kanya na malakas ako, na kaya ko.
I went to Marg's room to check on her. I missed her.
Pero biglang nagvibrate ang phone ko kaya sinara ko muna ulit at sinagot ang tumatawag na si Nate.
"Good morning, Mr. Salazar. Why did you call?"
[Queen, are you aware that you are making me wait for you downstairs?]
"T-tanga ka ba? Paano kapag nakita ka ni Mommy diyan?"
Hindi siya pwede rito! Baka makita siya ni Mommy at pati siya, mapagsabihan ng kung ano anong masasakit na salita.
[Just outside, love. Do not worry. Hindi ako makikita ng Mommy mo.]
"I hate you."
[Hey, don't say that.]
"Whatever. Hintayin mo lang ako diyan. Don't even dare go outside your car."
[Yes, Queen. I love you.]
"I love you too."
I ended the call feeling a little relieved.
"I heard 'love you' things. Was that your boyfriend?"
Mabilis kong nilingon si Margaret. Naka-uniform na siya at suot na ang bag niya. Ready for school.
"Yes, why?"
"I'm just asking, Ate. Hindi naman masaman, diba?"
I patted her head but she slapped my hand away. Ayaw talagang nagugulo ang buhok. "Masama kung gagayahin mo ako. So don't, okay?"
"Yeah, whatever."
"Good. Now I have to go, malapit na akong malate." Aalis na sana ako nang hilahin niya ang kamay ko kaya napaharap ulit ako sa kanya. "What?"
"Sasabay ako sayo today!"
I pouted. "Seriously?"
"Yes! I already told my driver na ikaw ang maghahatid sakin kaya nagday off muna siya."
Mautak na bata. Alam ang gagawin para hindi ako makatanggi.
Hinila ko siya pababa at sinabing magda-drive thru na lang kami since nandoon na si Nate sa labas. Kawawa naman kung paghihintayin pa namin.
"So I'm going to meet your man today?"
"Yes, little miss. Kaya 'wag kang masyadong magmaldita. He's approachable naman."
She shrugged and we went out. Paglabas namin ay nakita agad namin siyang nakasandal sa hood ng sasakyan niya. Umayos siya ng tayo at hinalikan ang noo ko.
"Ikaw boyfriend ng kapatid ko?" Lumapit samin si Marg at tinitigan kaming dalawa. "Well, bagay kayo. And you look really in love. Nice catch."

BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."