Maxine Valdez
The weekend is over, school days are back. Doble ang excitement ko kasi this time, classmate ko na si Prescott.
Magkatabi kaming naglalakad at halos lahat yata ng nadadaanan naming babae ay tumitili sa kanya.
"Tingin niyo, single siya?"
"Bakit kasama niya si Ms. Maxine?"
"You think magka-relasyon sila?"
"Feeling ko, hindi."
"Walang may pake sa feelings mo, girl."
Natawa kaming dalawa dahil doon sa huling nagsalita.
"Ate, you think I can have a girlfriend here?"
Tumingin ako sa paligid at napansing halos lahat nga ay nakatingin ngayon sa kanya.
"Hindi malabo, Scott."
Pumasok kami ng room namin at maging doon ay may mga babae pa rin tumitili. Mas nadagdagan pa 'yon nang pumasok dumating din si Nate. Naghanap siya ng mauupuan at saktong tabi sila ni Scott.
Natahimik silang lahat bigla nang dumating ang teacher namin.
"I want to hear reactions about the Masquerade Ball. Anyone?"
I saw Scott raise his hand. Kalokohan na naman 'to panigurado. Wala naman kasi siya nung ball. Ano bang alam niya doon?
"Mr. Valdez? You are the new student, right?"
"Yes Ma'am. You want me to introduce myself?"
Natawa si Ma'am sa inasta niya. "Yes, please. Come here in front or stay on your seat."
Naglakad siya papunta sa unahan. Good luck sa mga magiging girlfriend nito. Noon pa man ay mahilig na siya sa mga babae. Gustong gusto niya kapag pinagaagawan siya ng mga tao.
"Good morning, classmates. I'm Scott Valdez, fresh from Germany. I like it when girls do everything just for me but I don't pressure you guys. I don't care if not all of you will like me but I'm sure I can make half of you drool over me." He even winked at those shouting girls.
"Thank you for that introduction, Mr. Valdez."
Ngumiti si Scott at nagsimula nang maglakad pabalik sa upuan niya. He looked at every girl. "Lapit kayo sakin mamaya, ah." Then he winked again.
~
It's already lunch at magkakasama kaming tatlo ngayon sa restaurant. Buti na lang wala kaming ibang classmates dito. Ayoko kasing pinagpi-piyestahan kami.
"Ang tinik tinik mo, brother!" Sabi ni Nate pagkatapos hampasin si Scott sa braso.
Tumigil naman munang kumain si Scott. "For sure, ganon din kapag sayo. Kung mage-explore ka lang. Makipag-usap ka sa girls, have more—"
Binatukan ko agad siya. "H'wag ka nga! Gwapo nga 'to katulad mo pero hindi mo na dapat pang turuan ng kalokohan mo!" Tinawanan niya lang ako na para bang sobrang nakakatawa nga ang sinabi ko. "Tawa ka diyan?"
BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."