Nathaniel Salazar
Wala pa akong masyadong kaibigan dito sa Harrison University kaya habang wala pa si Maxine dito at nasa Germany pa si Scott, wala talaga akong kasama.
Nakaupo lang ako sa gazebo, hinihintay ang reyna.
"Hi Nathaniel."
Napatingin ako sa katabi ko. Damn it. Ito yung babaeng nang-away kay Maxine noon! Noong may meeting ang university department officers!
"B-bakit?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko kasi alam kung magagalit din ba ako sa kanya dahil sa ginawa niya noon. Hinding hindi ko makakalimutan 'yon.
She sat on the vacant seat beside me. "I just want to befriend you."
"After you fought with Maxine? I don't think so."
"What the hell..." Napatayo pa siya at tiningnan ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "You don't know anything, Salazar."
"Then tell me what I should know. Bakit mo siya kailangang sabihan ng ganon? We were silently walking that time, Lorraine. Anong napakalaking kasalanan niya sayo at pati siya na mabait ay tinawag mong bitch?"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na lang ako bigla papunta sa isang classroom na walang tao. Hindi naman ako kumawala pa kasi gusto ko ring malaman. Para kay Maxine.
"Ah... can we be friends first? Bago ako magkwento? Parang... nakakahiya kasi, eh."
"O-oo naman... yata, ewan."
Umupo siya sa teacher's table.
"Just say yes. I don't bite."
"But you are Maxine's... enemy."
Tumawa siya ng mahina at parang naisip kong mali ang sinabi ko. Baka nga may nangyari talaga noon na hindi ko alam. Pero ang sabi kasi ni Maxine, galit si Lorraine sa kanya ng walang rason. I believe her, I just want to know the other side of the story.
"Mali bang masaktan?"
Nalusaw ang mga iniisip ko sa sinabi niya. She's hurt for sure. Siguro may nagustuhan siya na nagkagutso kay Maxine kaya galit na galit siya ngayon. A typical love triangle.
"Hindi maling masaktan. Ang mali, kapag nagpadala ka sa sakit na 'yon."
"Si Maxine kasi, eh. Masyadong maganda."
Tinabihan ko siya doon sa lamesa. "Alam ko."
"Alam mo ba, bestfriend ko siya... noon. Pero ganon, eh. Natural na masama ang ugali ko."
I chuckled. "Gaya nga ng sabi mo kanina, nasaktan ka lang. At ang mali mo lang, nagpadala ka sa galit mo. 'Yon lang siguro."
"This is why Maxine's so comfortable with you. Alam mo kung paano gumana ang utak ng mga tao."
"She's kind of complicated. But yeah, I like her."
Hindi ko maintindihan kung anong nakita ko sa mukha niya. Parang nasaktan siya, na natuwa, na may galit rin, halo halong emosyon.
BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."