Maxine Valdez
I woke up feeling heavy.
I'm emotionally, mentally, psychologically, and physically tired.
I'm fucking tired of this mess.
I just... want to be alone.
Pinilit kong bumangon kahit na parang ang sama ng pakiramdam ko. Naligo at nag-ayos ako. Pumunta ako sa kitchen at nadatnan si Margaret na kumakain mag-isa. Nagulat ako dahil first time yata na hindi sila sabay mag-umagahan. But I thank the heavens anyway. Ayaw ko pa siyang makita. Baka mayakap ko siya ng wala sa oras.
Agad siyang tumayo at niyakap ako. "Ate, si Mommy..."
Tinanggal ko 'yong mga braso niyang nakabalot sakin. "Margaret, 'wag ngayon. Please."
Pagkasabi ko non ay agad akong tumalikod at naglakad palabas ng bahay. Nilakad ko mula dito hanggang sa City Park. Hindi iyon walking distance pero gusto ko munang tumahimik ang mundo ko. Ayoko muna ng mga makina at mga busina.
Pagdating ko don, tumayo ako sa tapat ng ice cream stall kung saan ako tinanong ni Nate kung pwedeng maging legally official na kami.
Hindi naman mali kung mapagod ako, diba? I'm not too far from everyone. I'm just like the usual people. I have feelings, I'm sensitive, I can get hurt, and I can get broken. Napagod ako kasi ilang taon ko ring binuhay mag-isa ang sarili ko. I have friends before, I have Raiko, the SEB officers, I have my suitors who're concerned about me but that can never change the fact that I'm broken deep inside. Na tuwing pumupunta ako sa bar, ibang version ng Maxine ang nakakasalimuha ng mga tao doon, na tuwing umuuwi ako sa bahay, ibang version ng Maxine ang hindi pinapansin ng sariling nanay.
The truth is just too different from what seems to be authentic.
"Ikaw ba, iniwan, iiwanan, o mang-iiwan?"
Bumalik ako sa totoong mundo at napatingin sa babaeng tumabi sakin. She's pretty and all, she has these aquamarine highlights on her natural ebony hair. She just looked so tired. Not tired from running but tired of living. Hindi kasing lala ng tama ko pero alam kong may pinagdaraandan din siya.
"Iiwanan."
She chuckled bitterly. "Mas okay pa 'yan kaysa ikaw ang mang-iiwan." Matagal siyang tumahimik pero naramdaman ko iyong sakit na kailangan niyang mailabas kaya tumahimik na lang din muna ako. "Paalis na ako maya maya kaya sa lahat ng posibleng kwento, ako 'yong lalabas na masama."
"It's not always like that. Hindi dahil ikaw 'yong aalis, ikaw na 'yong masama."
"Trust me. Ang taong nang-iiwan, may rason o wala, masama."
Bigla akong natigilan. Parang isang bala ng baril iyong sinabi niya na bigla na lang akong tinamaan. Nasaktan ako noon na halos ikamatay ko na kaya kinailangan kong umalis pero pagbalik ko, lahat ng daliri ng tao nakaturo na sakin. Na dahil pa pala sakin kaya namatay ang Daddy ko.

BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."