Nathaniel Salazar
She's so irresistible so I pressed my lips unto hers. It was as if I've fulfilled every dream I've wanted, had everything I've wished, made everything I've planned. This kiss is so much more than just a kiss, a gesture of love, this is a seal of something we know would last a lifetime... more lifetimes. Something that would last eternally.
Pero may mali... Humiwalay ako sa kanya kasabay ng pagbukas ng mga mata ko at sinalubong 'yon ng mga mata ni Maxine. They are beautiful, but sad.
"I love you, Maxine..."
"I... I love you too." Ngumiti siya kahit nahihirapan dahil sa pag-iyak. "But you have to make up your mind. Ayokong magsama tayo na pinagsisisihan mo ang hindi pag-aaral sa France. I want to be by your side, but I also want to be your inspiration and your motivation. I know your dreams too well, Nate. At hindi sila basta panagarap na lang. Alam ko kung hanggang saan ang mararating ng mga panagarap mong 'yon."
"Pwede akong mag-aral dito sa Pilipinas para hindi tayo magkahiwalay, Maxine. Ganon lang kadali—"
"You can reach more, Nathaniel. You can make businesses, produce world-class food, make known of yourself, you can even rule the world." Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ako ng mas maigi. "I'm not a hindrance in your life. I am a part of the fulfillment of your dreams."
"Bakit parang gusto mong umalis ako? Bakit pinagpipilitan mong tanggapin ko 'yong gusto nina Papa? Bakit ganyan ang mga sinasabi mo, Maxine? Hindi ako aalis kasi gusto kong ikaw ang kasama ko sa pagtupad ng mga pangarap ko."
"Hindi ko gustong umalis ka. Kung pwede nga lang, naidikit na kita sakin para kahit kailan ay wala ka nang kawala—"
"Then let it be. Idikit mo ako sayo. Hindi ako lalayo."
Hindi ko alam kung alin 'yong mas masakit. 'Yon bang pinapapili ako ni Maxine, o 'yong pakiramdam na mas gusto niyang piliin ko ang mga pangarap ko kaysa sa kanya. Siguro nalilito ako sa mga sinasabi niya, pero isa lang ang malinaw, mahal ko siya at mahal niya ako! Kahit kailan, hindi pinapakawalan ang pagmamahal na katulad nito.
"I want you to be the best version of yourself. Every you is whom I will always love... but for the sake of the family whom loves you so much, and for your dreams which made you very tough right now, choose France."
Maxine Valdez
Hindi sumang-ayon si Nate sa mga sinabi ko pero sigurado akong pinagiisipan niya na 'yon ngayon. Call me stupid, I don't care. If this is love, then this is the kind of love I'm good at. The love who's willing to let go. Always ready to let go. 'Yong pagmamahal na pinapakawalan at pinapalago bago balikan at panghawakan. 'Yon ang uri ng pagmamahal na alam ko. Doon lang ako marunong. Sa ganong klase ng pagmamahal.
Buong hapon yata akong nagmukmok sa kwarto ko. Not because I don't want him to go but because I pity myself. Bakit ba ako ganito? Buong buhay ko kasi, lahat ng taong mahal ko, pinapakawalan ko. My brother, my father, my mother who's physically present but emotionally faraway... I grew up letting go. I grew up letting people I love shatter me into thousand pieces.
I don't... I don't know how to let things grow and live in my hands. I am scared to hold valuable people such as those I love because I'm afraid to wreck them. Kasi doon lang ako magaling. Kasi sa ganon ang lumaki. Lumaki akong sira ang buhay, it was always like that.
Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ko.
"Ate Maxine?" Iniisip kong si Herbie 'yon, kaso lalaki ang nagsalita. "It's me, Rick."
Nagmamadali akong bumangon mula sa pagkakahiga para pagbuksan siya ng pinto. Paano naman 'to nakarating dito?
"Roderick?"
"Hi, Ate." Dire-diretso siyang umupo sa bean bag dito sa kwarto ko. "Kakagaling ko lang po kina Herbie, nagkita po kasi kami sa playground, tapos nabanggit niya po kung saan ka nakatira kaya pinuntahan ko na rin po kayo."
"Solo ka lang, Rick? Delikado 'yon, ah."
Batang 'to. Parang si Herbie talaga. Noon, nakita ko siyang bumibili ng milk tea mag-isa sa mall. Katulad na rin noong masquerade ball, nakita namin siya sa cafe.
"Sa kabilang village lang naman po kami nakatira na Herbie, eh. Neighbors pala kami." Tumango lang ako kasi naramdaman ko na ang pagkatuyo ng lalamunan ko. Kakaiyak siguro. "Break heart?"
Napatingin ako sa kanya. "Break heart? Ano?"
"Break heart po ang tawag don, diba? Kapag—oops mali, broken heart pala. Hehehe."
"Ang dami mong alam. Matulog ka na lang diyan o manuod ng TV." Natatawa kong sabi sa kanya.
Binuksan niya nga ang TV at nagpalipat lipat ng channels. Disney, HBO, Star Movies, Nickelodeon, MYX, Discovery, ewan ko ba dito! Ang gulo!
"Kita mo, Ate? Ang gulo, diba?" Nagtaas-baba ang mga kilay niya kaya napahalakhak ako. Adorable! "Parang love, diba? Magulo?"
Natigilan ako at napatitig sa kanya. Bata ba talaga siya? O nagpapanggap lang na bata? Teka, ano ba 'tong mga naiisip ko.
"Seriously, Rick? Bata ka pa. Tigilan mo 'yan."
I smiled at him assuming he won't answer me anymore. But he did. And it's something.
"Magulo po ang love para matuto ang mga tao na maghanap ng solusyon. Kasi kung madali 'yon, ano pa nga ba nag gagawin nating mga nabubuhay? Wala na, nasa harap na natin 'yong love na 'yon, eh. Pero kung may twist and turns, may magic and curse, mageeffort po tayong mga tao at gagawa ng mga paraan para mahanap at maipakita ang love. Kasi sobrang uhaw na tayo sa love. Love, love, problema pero mahalaga." Ngumiti siya na para bang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya. "Sabi nga po nila, ang lahat ng problema ay may solusyon, kung walang solusyon, h'wag nang problemahin. Substitution lang po 'yan. Love equals problema. So... ang love ay problema kaya magulo 'yon, pero may solusyon. At kung walang solusyon, ibig sabihin, hindi love."
BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."