Maxine Valdez
"How long would that fucking drink take?!" Sigaw ko kahit na wala naman akong matinong kausap. Lahat sila aligaga na dahil sa nangyayari sakin. Magagalit sa kanila si Zayn kapag hindi ako satisfied.
Nagmamadaling lumapit sakin ang isang waiter at inabot ang hawak niyang beer pilsner.
"Here, Madame."
Ininom ko agad 'yon. I'm kind of tipsy already but that won't stop me from taking in more alcohol. Ito lang ang alam kong paraan para makalimot. Sa totoo lang, araw araw na naman ako dito sa Exe-J. After four days of telling Nate to leave me because I want him to think wisely, nothing was ever right. Everything, again, seemed so wrong.
"Hey, you!" I pointed at the guy behind the bar. "Give me an Irish whisky."
"Ms. Maxine, napapasobra na po yata kayo ng inom..."
I laughed sarcastically. "Anong gusto mo? Kausapin ko pa si Zayn at patanggalan ka ng trabaho?"
Agad siyang nagsalin sa shot glass at inabot sakin.
Unfortunately for them, Zayn is the owner of this bar, and I am his friend. I have the access in everything here that's why I have the power to scare them frankly.
"Ma'am." Then he handed me the glass.
Napapikit ako ng mariin nang mainom ko ang whisky. My goodness! Ganito na ako kaapektado sa nangyayari samin ni Nate! Ganito na kalakas ang tama ko sa kanya!
"Valdez, kanina ka pa diyan."
Kahit hindi ko na siya nilingon, kilala ko na ang boses niya. Of course because he's my best friend.
"Than, h'wag ka nang dumagdag sa problema ko. Hayaan mo na akong maging masaya."
Tinitigan lang niya ako bago ko nakita ang pagngisi niya. Humingi rin siya ng maiinom doon sa sinisigawan ko kanina.
"Sino ba 'yang problema mo at parang galit na galit ka sa kanya?"
Kanino ako galit? Sa sarili ko. Sarili ko ang kalaban ko ngayon, sa akin ako galit na galit. What kind of fool would let go of someone she loves? Ako lang yata.
"Maxine Valdez, 'yon ang pangalan nung kagalit ko. Duwag 'yon, eh. Tanga pa. Hindi siya marunong kumapit sa mga bagay na dapat pinanghahawakan."
Bumalik ang tingin ko sa mga kamay kong nakapatong sa bar. I know I didn't let him fully and freely go but I gave him a hundred percent assurance that it's fine with me if he chooses to go. Though it's not true. Because I knew better. I'm sure I will break myself apart the moment he leaves.
"H'wag na h'wag kang tatakbo palayo, Maxine. Kung gusto mo, sabihin mo. Kung ayaw mo, sabihin mo rin. Kasi ang hirap maiwan ng walang rason."
May tumulong luha mula sa pisngi ko pero hinayaan ko lang 'yon. "Sinabi ko naman sa kanya ang gusto kong sabihin. Pinilit kong ipamukha sa kanya na mas gusto kong umalis siya, kahit na hindi 'yon ang totoo. Because the truth is, I don't want but he has to. Because it's the call of his life, it probably is the best choice he will ever make."

BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."