TBR 37

893 22 10
                                        

Nathaniel Salazar

 

Napag-usapan namin ni Maxine na sabay kaming magdi-dinner since Saturday naman ngayon. At gaya ng nakagawian namin, nasa labas lang ako ng bahay nila, naghihintay. Kahit gustong gusto ko nang ipakilala sa Mommy ni Maxine ang sarili ko, hindi ko magawa dahil iyon ang gusto ng Reyna ko. Dadating din naman kami doon, hintay lang.

 

"Kuya Nate? Anong ginagawa mo rito?" Napa-ayos ako ng tayo nang lumabas si Marg mula sa bahay nila.


I kissed her on her forehead. "Hinihintay ko Ate Maxine mo, may date kami." I smiled and paused. "Where is she?"

 

Napansin kong biglang nagbago ang mood niya. "Kaya nga ako lumabas eh. Nag-aaway na naman kasi sila ni Mommy."

 

Napailing ako dahil sa sinabi niya. Naaawa ako sa kanilang dalawa. Oo, si Maxine ang talagang nakakaawa dahil para na rin siyang nawalan ng nanay. Pero ganon din kay Tita Monique, para rin siyang nawalan ng anak.


Umupo ako sa hood ng sasakyan ko at tumabi sakin si Marg.

 

"Marg, hindi naman sa nanghihimasok ako ha. Bakit ba sila nagkakagulo ng ganyan?"

 

Tumingin siya sakin bago lumayo ang tingin papunta sa kawalan. It seemed like she was reminiscing. "Three years ago, they were fine. We were all fine. Six months ago, hindi ganyan si Ate. She stays low kahit na naiinsulto na ni Mommy ang pride niya. She's the daughter who respects Mom kahit na wala na siyang dahilan pa para respetuhin niya ito." Nagpahid siya ng luha kaya nakaramdam ako ng bigat sa puso. Marg has been my sister, my little sister.


Hinila ko siya palapit sa akin at inakbayan. "Go on."


"But just like everyone, she too has her breaking point. 'Yong breaking point niyang 'yon, it was a total disaster. Sumasagot na siya kay Mommy, nagtataray, 'yong para bang wala nang pakielam kung may nasasaktan na siya. But as her sister, of course, I know it wasn't like that. Kahit na parang wala siyang pakielam, alam kong nahihirapan na siya sa ganong kalagayan. Kasi nakilala ko siya bilang isang tao na nag-aalala."

 

Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya. "I knew her that way too."


Lumingon siya sakin at pinagdikit ang dalawa niyang palad. "Kuya, can you take me away from here first? Kahit sa mall, or sa bahay niyo."


"You think that would be a good idea?"


Tumango tango siya. "Hayaan muna natin sila mag-usap. I'll just leave a text message for them to be aware na may pinuntahan lang ako."


I looked at their house and thought of what Marg said. Hayaan mag-usap. Siguro nga kailangan na talaga nila mag-usap ng maayos. Sana kahit bago man lang ako umalis, maayos na ang relasyon nila.

The Brainy RebelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon