Maxine Valdez
Zee.
He was my friend, a very special one. Before. Napa-iling ako nang maalala ko pa iyon. Zee... He's someone from the past. And honestly, I really can't remember how he looks like. I'm fond of remembering names, stuff, but not faces. At saka kung hindi naman importante, hindi na kailangan pang tandaan, diba? Ang naaalala ko lang, noong bata pa ako, I've always loved thrills. At ang napili kong thrill sa friendship namin ay ang hindi pagpapaalam ng totoong pangalan sa isa't isa. Gusto ko kasing dumating 'yong panahon na hahanapin namin ang isa't isa. Pero hindi na importante sakin ngayon kung mahahanap ko siya, kung mahahanap pa niya ako, o kung hindi na. I already have my Nate.
"Ma'am Kaye, can I go out?" I asked our current teacher.
Tumango lang siya bilang sagot kaya lumabas na ako ng room.
Quezon.
Galit na galit ako kina Daddy at Mommy dahil dinala nila ako dito. Ano bang gagawin ko sa probinsya? Dapat doon na lang ako sa Manila! Hindi pa ako nakasali sa isang national quiz bee dahil kailangan naming bisitahin sina Lolo dito. I love them, I just hate being here.
"Anong problema ng Math sakin?"
Nang marinig 'yon mula sa boses ng isang bata, mabilis akong tumayo at tumakbo sa likod ng isang puno. Walang pwedeng makakita sakin. Ayoko ng bagong kaibigan. Si Kuya Marcus, Kuya Ivan, Aine, at Rai lang ang mga kaibigan ko.
"Hindi mo ako makikita... Hindi mo ako makikita. Hindi mo ako—Oh my God!"
"Batang maganda, anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nagtatago?" Hindi ako sumagot at inirapan lang siya. I don't want new friends! "'Wag kang mang-irap. Ginagawa lagi sakin 'yan ng kapatid ko at napapagalitan siya ni Mama. Baka mapagalitan ka rin ng Mama mo."
"Pwedeng 'wag mo akong kausapin?" Lumakad ako palayo sa puno at palayo sa kanya. Hinding hindi na talaga ako babalik dito!
"Kapag sinabi ko sayong hari ako, haharap ka na ba?"
Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. No, hindi siya king. Daddy ko, siya lang ang king.
"Stop talking, please."
"Okay, ikaw na ang reyna ko."
Dahil doon ay napaharap na ako sa kanya. Ang kulit naman ng batang 'to! Lalaki pero kung dumaldal parang babae! "Kuya, pwede ba? Bad trip ako kaya tigilan mo ako. Gusto ko nang bumalik sa Manila. Ayoko na dito."
"Una, feeling ko magka-age lang tayo kaya hindi dapat 'kuya' ang tawag mo sakin. Ikalawa, magkatulad pala tayo eh." Hinila niya ako paupo kaya napaupo kaming sabay sa damuhan. "Ayoko rin dito kasi wala akong mga kaibigan. Pero wala naman akong magagawa kasi ito ang gusto nina Papa. Kaya sosolusyonan ko na lang. Para hindi ako mabaliw sa kalungkutan, nagdala ako ng books!"

BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."