Maxine Valdez
From: Nathaniel
Movies kaya after mass?
I grinned.
How 'bout lunch first? Some chatting and strolling, then mass.
From: Nathaniel
I'll call you.
Binitawan ko ang binabasa kong libro niya at hinintay ang tawag niya. Kahit alas tres na ng madaling araw ay magkatext pa rin kami. He was the one who started it. Hindi naman ako makatigil kasi gusto ko rin naman.
"Hello, Nate?"
[Hello, Maxine... Queen.]
"Bakit kailangang call pa?"
[I want to hear your voice. It sounds like heaven.]
"Stop flirting with me because I know you are. And If you don't stop that right now, I will kill you."
[What if I am willing to die for you?]
"You're a fucking nitwit. Not a nice joke, dummy."
[Or sadyang nag-aalala ka lang sakin at ayaw mong marinig na mapapahamak ako?]
"May kaibigan bang gustong napapahamak ang kaibigan niya? What do you think of me?"
[Yelong yelo ka talagang babae ka. Baka mamaya, nahuhulog na ako para sayo at ikaw, walang pakielam. MU tayo kapag nagkataon. Ika'y manhid at ako'y umaasa.]
"Close enough. Good thought, Nathaniel. I'm impressed."
[Unbelievable.]
~
Nagising ako ng six o'clock. Inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Anong oras na binaba ni Nate yung call!
"Ate! May bisita ka!"
Nagulat ako sa sigaw ni Scott. Sino naman ang bibisita sakin ng ganito kaaga? Imposibleng si Nate 'yon kasi eight pa raw siya dadating.
I did my morning rituals just for a while before going down. Nandoon si Herbie with her parents. Tabi tabi silang nakaupo sa couch.
"Ate Maxine!" Tumakbo si Herbie palapit sakin at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik at hinalikan sa noo.
"Hi baby." Umayos ako ng tayo at humarap sa parents niya. "Good morning po, Tito, Tita. Bakit po kayo napabisita?"
"Hija, we have a business trip today at ayaw naman naming maiwang mag-isa sa bahay si Herbie." Paliwanag ng Mommy niya.
Si Tito naman, kinalong si Herbie. "We asked her kung saan niya gustong pumunta at dito ang pinaka-una niyang sinabi."
BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."