TBR 22

990 20 13
                                        

Nathaniel Salazar

Tahimik akong dumiretso sa mall. Hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang itsura. Nasasaktan at naguguluhan.


I called Mama to tell her that I'll be home late.


"Ma? Mag-uuli muna ako sa mall. Baka gabi na po ako makauwi."

[Who are you with?]

"A friend."

[Babae ba, 'nak? Alam mo namang]

"Mama... I love you and I have to go. See you later."


Bago pa niya matapos yung sasabihin niya, binaba ko na ang call. Wala ako sa mood na sabihin sa kanya ng totoo o magsinungaling. She'd still get mad anyway.



Habang nagiikot ako, nakita ko si Aine sa Starbucks. I was about to turn away kasi nga wala ako sa mood pero nakita niya ako. Mabilis siyang tumakbo palapit sakin.


"Nate! Nandito ka rin?"


"Hindi, wala ako dito. Si Glenn 'tong kausap mo."

Inirapan niya muna ako bago ako hilahin sa kung saan man. Nagpahila na lang ako kasi wala rin naman akong pupuntahan.


Tumingin siya ng mga damit at pinahawak sakin 'yong mga nagustuhan niya.


"Tingin mo, Nate? Okay ba 'to? Or ito? How about this one?"

Tumango na lang ako ng tumango sa lahat ng tinatanong niya. Ewan ko ba kung gusto niya 'yon o hindi. I'm worried about Maxine. Iniwan ko siyang mag-isa doon. Malay ko ba kung may dumating para samahan siya.


"Nate, babayaran ko na yan." Kinuha niya sakin 'yong mga hawak ko. "Mag-uusap tayo mamaya."


Pumunta kami sa Dairy Queen pagkabayad niya.


"Anong ginagawa natin dito?"


"Kakain ako at mageexplain ka."


Nag-order siya at naiwan akong naghihintay dito. Pagbalik niya, umupo siya sa tapat ko at tumitig sa akin.


"Oh? Nakatingin ka? Alam kong gwapo ako."


"Okay ka lang?" Bigla niyang tanong. Astig, nahalata niya yatang hindi ako okay.



"Yung totoo? O gusto mo, fake na sagot?" Napailing siya sa sinabi ko kaya natawa ako ng kaunti. "Hindi ako okay. Sino ba namang magiging okay sa nangyari kanina."


"Kahit na wala akong alam diyan sa kanina mo, ang drama mo pa rin. Nakakadiri ka." Tumayo siya at naglakad na paalis.


Seryoso ba siya? Taong 'yon! Pagkatapos akong hilahin sa kung saan saan, iiwan lang ako rito! Tama ba 'yon? Bastusan, ha!



Aalis na sana ako nang may makita akong paper bag sa kaninang inuupuan ni Aine. Kinuha ko 'yon at tiningnan ang buong package. May nakadikit pa na sticky note.


Sa ganyang itsura mo, alam ko nang may problema kayo. Btw, she'll love this. Just don't tell her it's from me. -Lorraine


Tinanggal ko ang note at nilagay sa bulsa ko. Binuksan ko 'yon at napangiti sa mga nakita. 'Yong iba sa mga napili niyang damit kanina, nandoon. May tatlong necklaces din at isang pouch.


The Brainy RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon