Maxine's POV
Pagkauwi namin galing sa mall, dumiretso kaming lahat sa likod ng rest house, sa beach. May isang malaking table at dun kami pumwesto. Yung mga bata, pinatulog na muna nila para makapagpahinga na din.
"Napagod ako sa inyo!" Reklamo ni Scott pagkaupong pagkaupo niya.
Inirapan ko siya. "Para namang hindi ka pa sanay. Lagi namang nagpapasama sayo si Belle sa shopping."
"Ang dami niyo kayang pinuntahan ngayon!" Naiinis na sigaw ni Glenn.
"Pinasok niyo yata lahat ng stores sa mall na 'yun!" Nakasimangot na sabi ni Raiko.
Nagkatinginan na lang kaming apat sa sabay sabay na natawa. Nag-shopping kasi kami, syempre, silang tatlo ang taga-buhat ng shopping bags.
"Dagdag pa 'yang si Ate. Hasn't Nate came home yet? He should've been the one who carried her bags!"
Tumango tango si Rai. "Oo nga. Nakakamiss din 'yung ugok na 'yun."
"Paano ba natin siya matatawagan? Sa kanya natin dapat ipabuhat yung mga binili ni Maxine."
Napatingin ako kay Aine at nahuli ko siyang nakatingin at nakangiti sakin. It was a reassuring smile. I smiled back and shook my head saying it's alright. "Eh di tawagan niyo. Para namang matutuwa 'yun kapag nakita ako."
Nilabas ko na lang ang cellphone ko at nagkunwari na may ginagawa. Oh ano, maiiyak na naman ako? Bullshit.
"What are you saying? Of course matutuwa 'yun. You're his girlfriend." Malokong pagtanggi ni Belle sa sinabi ko.
"Ex-girlfriend." I said almost choking. Naramdaman ko na naman yung nakabara sa lalamunan ko. Ang huli ay noong nakipagbreak siya. Buhay na buhay pa din sa alaala ko yun.
Lahat sila ay napatitig sakin and it's gotten a kind of awkward.
"W-wala na... kayo?"
I just nodded to answer Rai's question. Everyone was devastated.
"Wala na kayo?" Napataas ang boses ni Glenn kaya napangiwi ako. "Tangina! Alam na alam niya kung anong dapat niyang gawin! Sinabi ko nang hindi ka niya pwedeng saktan! Gago siya!"
This is a reason why I don't want to tell anything to them. Kamumuhian nila ang kaibigan nila at masisira ang pagkakaibigan nila. And it's simply because of me. I'm not worthy of it.
"Please, don't get mad at him. Choice namin parehas 'yun." Pagpapakalma ko sa kanila. Baka mamaya kasi madala pa nila yung galit nila kay Nate sa mga anak nila. Doon naman ako hindi papayag.
"He is our friend, pero mahal ka namin at hindi sapat ang kahit na anong rason niya para saktan ka!" Glenn.
"Besides, I don't love him anymore. I've moved on, move on na rin kayo." I tried to make my voice as happy as can be. This is the only way para tumigil na sila. Ang pagsisinungaling.
Nanatiling tahimik yung tatlo babae, si Rai, at si Scott. Glenn is fuming mad.
"What an ass." Tumingin ito sakin ng diretso. "He's not important anymore. Ang mahalaga ay ikaw, Maxine. Okay ka na ba talaga?"
Tinanguan ko ang pinsan ko. "Oo naman." Kahit hindi.
Sumabat si Glenn. "That's still not enough. Papatayin ko talaga 'yun lapag nagkita kami."
BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Roman d'amour"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."