Maxine Valdez
Nagising ako dahil sa mahihinang katok mula sa labas ng pinto ko.
"Max, lunch na. Kumain ka na oh."
I didn't answer him because I'm too tired to. Si Nathaniel 'yon, alam ko.
"Brad, tulog pa yata."
"Gisingin mo, please."
"Ang alam ko, may susi 'yon dito, eh."
I heard the door opened then closed.
"Maxine." Hindi ako humarap kay Scott kasi ayokong makita niya ako na ganito ang itsura. I'm a great mess because of the tears I've let out yesterday. "Maxine, I'm sorry."
"No, it's alright."
"Are you hiding your face?"
Hinigpitan ko ang yakap sa unan ko. "Huh? Hindi, ah."
"Okay... sunod ka na sa baba, Princess. Naghanda kami ni Nate."
Tumango lang ako.
Nung marinig ko ang paglabas niya, saka ako naghugas ng mukha at nagtoothbrush. Bumaba ako at naabutan ko silang dalawang kumakain.
"Nate, Scott, good morning."
Mabilis na tumayo si Scott at pumunta sa kitchen.
Kahit nagtataka ay umupo ako sa tabi ni Nate.
"Did you cry?"
I looked at him. "Yes?"
"Dahil ba sa mga nasabi namin ni Scott kagabi?"
"Nope."
"Magsinungaling ka pa, Maxine. Magandang gawain yan."
Hindi ko na siya nasagot dahil dumating na si Scott na may dalang tray. Puno 'yon ng pagkain. Para sakin ba 'yon lahat?
"Peace offering, Ate." Nilapag niya 'yon sa harap ko. "I'm sorry for the presentation, I'm still working with my skills."
Napangiti ako sa sinabi niya. He's the sweetest cousin.
BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romansa"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."
