Nathaniel Salazar
I was having a smooth slumber when I heard me phone ringing. Muntikan ko pa nga iyong hindi pansinin kung hindi ko lang naaninag ang pangalan ni Marg.
"Baby girl?"
[Kuya, come over. Hindi ko na alam ang gagawin ko...]
Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang mga hikbi mula sa kabilang linya.
"Margaret, anong nangyayari diyan?"
[Kuya, si Mommy...]
"Marg, tell me what happened."
[Kuya, si Mommy... Ang gulo gulo na dito.]
"Ang Ate Maxine mo, wala ba diyan?"
[Wala po si Ate, hindi pa umuuwi mula kahapon. Wala rin pong tao rito, pinaalis lahat ni Mommy.]
"I'll be there in twenty minutes. Wait for Kuya Nate. Stop crying, take care of yourself, and don't worry too much. Darating ako."
Wala akong ibang narinig pagkatapos non kung hindi ang mga hikbi ni Marg at sunod sunod na pagkabasag ng mga bote. Damn.
Nagmadali akong maligo at magbihis. Halos takbuhin ko na papunta sa front door, kaso ay pinara ako nina Mama.
"Saan ka pupunta, Nate?"
Humalik ako sa pisngi niya. "Ma, Margaret needs me right now. Babalik din po ako mamaya."
Wala na akong sinayang pang oras at nagdrive na ako papunta sa kanila. Ano bang nangyayari doon? Natatakot ako dahil don sa narinig ko. Baka kung napaano na si Marg, for sure ay mapaparanoid si Maxine kapag nalaman niya ito.
Tumapak ako sa tapat ng gate ng bahay nila. Bigla akong kinabahan. Not because this is my first time to go inside their house but because Tita Monique is inside. Anong pagmumukha ang ihaharap ko sa kanya? Anong sasabihin ko? That I am her daughter's boyfriend and I'll be leaving her soon?
Jusko, wala na akong pakielam! Kailangan ako ngayon ng pamilya ni Maxine!
Pagpasok ko pa lang ay ramdam ko na ang madilim na aura ng bahay na iyon. Patay lahat ng ilaw, nagkalat ang mga gamit sa sahig, puros sirang vase, at mga basag na bote ng alak.
"Margaret? Tita Monique?"
Nagmamadaling yumapos sa akin si Marg na mula sa kitchen. "K-kuya Nate." Iyak niya habang sinusubsob ng maigi ang mukha sa dibdib ko.
Doon ko lang napansin ang pamumula ng braso niya. Natamaan siguro ng kung anong binato ni Tita kanina.
"Shh... Nasaan siya?"
Hindi na siya umimik at tinuro na lang ang kusina. Sinabihan ko siya na lumabas muna ng bahay o magkulong muna sa kwarto niya. Huminga ako ng malalim bago maglakad patungo don. Bahala na kung anong sasabihin ng Mommy nila sakin, basta't tutulungan ko siya.
BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."