TBR 47

664 26 7
                                    

Nathaniel's POV

Pagpasok namin ng elevator ay agad na pinindot ni Rafael ang tile number five. "Papa, the whole fifth floor is Tita Doc's. It's amazing!"

"Really?" I breathed in and made a decision. "'Tol, ihahatid na lang kita doon sa fifth floor then I'll go back sa car, okay? I forgot I have to e-mail someone pa kasi."

"Did you fight, Papa?"

Mabilis akong umiling kahit na sa totoo ay hindi na lang fight iyon meron samin ni Maxine. Breakup. Putanginang breakup. "Work, 'tol."

"You make time for people you love. Sasamahan mo 'ko, Papa, okay?"

"Love you, 'tol."

"I love you too, Papa."

Saktong bukas ng elevator ay ibababa ko si Rafael. Mabilis itong tumakbo nang mapansin kong tanggal pala ang sintas ng sapatos ko. Pero syempre bago itali, lumabas muna ako ng elevator.

Pagtayong-pagtayo ko ay bumungad sa akin ang mukhang hinding hindi ko nakalimutan at babalaking kalimutan. Her hand was intertwined with my nephew and I haven't seen anything that wonderful in years. She's wearing a black dress, gladiators, and a necklace, with her hair tied up in a messy bun.

"Papa, aren't you going to greet Tita Doc?" Nakangiting baling sakin ng pamangkin ko.

Huminga ako ng malalim, nag-iisip ng sasabihin nang makita ko siyang lumapit at idikit ang mga labi sa kaliwang pisngi ko. "It's a good thing you're not too busy anymore. At least nasasamahan mo ang pamangkin mo sa mga ganitong appointment."

Tumalikod ito sakin, tangay si Rafael sa isang kamay at wala akong ibang nagawa kundi hawakan ang pisngi kong napiling mabiyayaan ng Panginoon. Gustong gusto ko siyang kausapin subalit alam ko namang eksena lamang iyon para kay Rafael. As much as I wanted to deny, I saw fury in her eyes. And that only became visible when she looked at me.

Sumunod ako sa kanila. Umupo ako sa couch na malapit lang at tanaw sila. Nagsuot ng lab coat si Maxine bago pinaupo si Raf sa isang dental chair at nilagyan ng papel sa dibdib. Pagkatapos ay tinapatan ng ilaw ang nakangangang bibig nito. "Raf, do you like chocolates?"

Humagikhik ito. "I love chocolates!"

Pinisil ni Maxine ang pisngi nito. "Then you have to promise me to brush your teeth three times a day or else hindi na kita papayagang kumain ng chocolates."

Sa galing ng pakikipag-usap niya ay muntikan na rin akong mangako na magsesepliyo tatlong beses isang araw. Buti napigilan ko ang sarili kong umimik dahil kung hindi, mapapahiya ako ng sobra.

Nakatitig lang ako sa babaeng noon ay pangalan ko lagi ang sambit. Thank you for this, Nate. I love you, Nate. Mahal na mahal kita, Nate. I will miss you, Nate. Parang unti unting sinisirang muli ang puso ko nang maalala kung paano kami noon at paano na ngayon. Hindi ko lubos akalaing aabot kami sa puntong parang hangin lang sa isa't isa. Alam kong mali ako. Gago ako. Pero kahit naman siguro anong itawag ko sa sarili ko ay hindi naman mali ang magmahal ako. Mahal na mahal na mahal ko ang babaeng nakatayo sa harapan ko ngayon.

Nakita kong tumayo si Rafael at yumakap sa tiyan ng Tita Doc niya. "Usapan natin ha?"

"Yes, Tita Doc! I'll tell Papa to remind me every day!"

Tumayo ako at lumakad papunta sa direksyon nila nang makita si Raf na patakbo na sakin. Sinalubong ko siya at binuhat. "Okay na, 'tol?"

Pero imbes na si Raf ay si Maxine ang sumagot. "I've told him already about the things he should do pero uulitin ko kasi baka may makaligtaan si Raf. Pagtutoothbrush, make sure it's thrice, okay? If not, eh at least twice. Tapos less sweets sana. I know kids are irresistible and ganon din ang sweets for them kaya kung hindi kaya, let him drink water after na lang."

The Brainy RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon