TBR 40

902 20 13
                                        

Maxine Valdez


I smiled with the sight of Nate sleeping. I will miss him, I will miss everything. Mahimbing siyang natutulog sa ibabaw ng lamesa dito sa cafeteria. Wala namang ibang makakakita kundi ako at si Ate Fe, iyong cook. Sa totoo lang, may class pa dapat siya ngayon. Ako, excused ako kasama ang buong SEB para sa mga natitirang gawain. Pero wala, hinila na lang ako nito bigla.


"Mahal na mahal mo mukha ko 'no?"


Nasampal ko siya ng mahina dahil don. "Gising ka na pala. Papikit pikit ka pa diyan."


"Nakakatuwa lang na tinititigan mo ako." Bumaba siya mula sa table at umupo na ng maayos sa tabi ko. "Pero hinihintay kong ikiss mo ako eh."


"Dami mong alam."


Inakbayan niya ako at hinalikan sa tuktok ng ulo. "Dadalhin kita sa France, Maxine. Promise ko 'yan."


"Bakit naman sa France?"


Mas nilapit niya ang katawan niya sakin at mas lalo ring humilig palapit sa akin. "Don ako mag-aaral." He whispers. "By the time na magikita tayo, for sure, kabisadong kabisado ko na ang France. Hindi na natin kailangan ng tour guide. Solong solo natin ang Pransya."


I felt my heart squeeze itself. But I tried to smile though it hurt. "Ah, yeah."


Everything saddens me. The thought that he'll leave, he'll go, he'll say goodbye.


I was so close to crying when Glenn came in running. Umupo siya sa tabi ko kaya napagitnaan nila ako ni Nate.


Nginitian ko siya. "Bakit ka napunta dito?"


"Wala lang. Nilayasan ko si Prescott at Belle, pinagsama kong maglinis nung room." Walang gana niyang sabi.


Pinatong niya ang mga braso niya sa lamesa at doon pinatong ang ulo niya.


"Nga pala. Kamusta na kayo ni Aine? Kayo ha!" Lately kasi, I always see them together. They became so close.


He turned his head and looked at me like I'm joking. "Yung bruhang 'yon? Yuck."


"H-ha? Eh bakit lagi kayong magkasama?"


"Nagpapatulong kay Raiko. Crush daw niya. Eh syempre, mabait ako, pinapayuhan ko."


Really?! Lorraine has a crush on Rai? Hindi ko akalain. I thought it was Glenn the whole time.


"Ano namang mga pinapayo mo?" Aba, isang Glenn Garcia, maga-advice? Almost impossible.


The Brainy RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon