TBR 12

1.6K 20 6
                                        

Nathaniel Salazar

 

Medyo natatawa pa rin siya kahit na ang tagal na niyang nakasandal sa balikat ko. She's trying to laugh but I know how she feels. She's not okay. For a woman like her, being okay after an argue with some friend doesn't exist. I know how it's like to act like everything's sewn alright but is actually not.

 

Sinimulan ko siyang hilahin. "Tara, magdisappear muna tayo."

 

Dinala ko siya sa garden nitong venue. Pinaupo ko muna siya doon sa table na mataas, bago ako tumabi sa kanya. Nakatingala na siya noong mapatingin ako sa kanya. I knew the stars would always make her feel better.


"You know what's astonishing about stars?" Tumingin siya sakin at ngumiti. "'Yong iba sa kanila sobrang layo to the point na matagal na pala silang wala, ngayon pa lang natin nakikita. So when we are looking at some of them, we technically are like looking back in time."

 

"Ang galing ng stars 'no? Nandon na nga lang sila sa taas, ang dami pa nilang kwento." Napatango na lang ako kahit hindi siya sakin nakatingin. She smiled and hid pain through it. "Alam mo Nate, may sinaktan na naman akong tao kanina."


"Nasaktan mo, hindi sinaktan. Hindi mo 'yon sinasadya."


"That's what makes it more awful. Nakakasakit ako ng iba kahit na ayaw ko. Ang sama kong tao." Mas lumapit ako sa kanya. Just to let her feel na nandito lang ako. Mas siniksik rin niya ang kawatan niya sa akin. "Si Glenn Garcia, ang lalaking sobrang minalas dahil minahal ako. Sayang siya. Sayang kasi sa akin niya inuubos ang oras niya. That makes me so mad at myself."

 

Inakbayan ko siya at sinigurado kong mahigpit ang side-hug ko sa kanya. "Maxine, hindi siya malas. Swerte pa nga siya kasi kaibigan ka niya."

 

"How can you say all of that? I'm a bitch, a cruel girl, and I should be hated."

 

"Hindi. Hindi. At hindi."

 

Ang tagal niyang hindi umimik at nabigla ako ng maramdamang basa na ang balikat ko. Umiiyak ba siya? Such an innocent pretty young lady.


"Max, are you crying?"

 

I heard her sniff. "Magagalit ka ba kapag sinabi kong oo?"

 

"No. Hindi kita pipigilan kung gusto mong umiyak. Basta ba ako ang katabi mo."

 

"Sana malaman ng mundo na ginagawa ko ang lahat 'wag lang makapanakit. Parang buong buhay ko, inilaan ko na sa pananakit ng damdamin ng tao. Tama pa ba 'yon?"

 

Hindi na ako nagsalita ulit kaya rinig na rinig ko ang pag-iyak ni Maxine. Hindi naman niya kasalanang minahal siya ni Glenn, diba? Napabuntong-hininga ako dahil dun. 

The Brainy RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon