TBR 30

1.2K 25 12
                                    

Maxine Valdez


Hinila ako bigla ni Aine papasok sa sasakyan ko at nagdrive papunta sa City Park. Maganda raw ang panahon ngayon at dapat kaming doon mag-usap. Masaya raw pati ang aura don. I don't really know when she started caring for a good weather like this one. Kung idedescribe ko man siya, siya 'yong taong walang pakielam sa lahat maliban sa sarili niya at sa mga kaibigan niya.


I swear she's that kind of friend.


Hinila niya ako palapit sa isang street food stall. Doon niya ako kinausap.


"Galit na galit ka pa rin kay Bray?"


I laughed evilly. "Of course. If anyone came into my being, I know he will surely curse that guy."


"Tingin ko nga. Siguro kung ako 'yong posisyon mo, pinagsapak ko na 'yon. Papakitaan ko siya ng martial arts skills ko. Hindi na siya na hiya sa sarili niya." May bigla siyang naisip at parang natawa pa siya. "Minura mo ba?"


"Oo! Pero makapal talaga, Aine. Minura ko na't lahat, sinasabi pa rin niyang mahal niya ako. Nakakagago kaya 'yon. Thinking na isa siya sa mga dahilan ng... ng..." Ng pagkamatay ng Daddy ko. I can't say the words. They were glued to my mind like I never want to say those words again. Ever again.


"I understand." She smiled at me and I was relieved for I knew I had a best friend inside of her. Kung ang mga kapatid naming sina Kuya Ivan at Kuya Marcus ay magbest friend, syempre kami rin. I can still hear our laughter every time the four of us gathers and celebrates high scores together. Ganon kami noon eh. Pataasan kami ni Aine sa exams since classmates kami, pataasan sina Kuya Marcus at Kuya Ivan kasi sila 'yong classmates. "Dito ka muna ha. Bibili lang ako ng kung anong pwedeng mabili diyan."


Nginitian ko lang siya at iniwan na niya akong nakatayo malapit doon sa street food stall.


"Ate! Ate!" Sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko.


Tumingin muna ako sa paligid bago kumpirmahin na ako nga 'yong tinatawag niya. "Ako?"


"Opo, kayo po." May nilabas siyang indigo na rose mula sa likod niya. White rose siya tapos bleached with indigo jobos dye. "May lahi raw po ba kayong keyboard?"


I was confused. A lot confused. "Ha? Ano?"


"Type daw po kasi niya kayo." Sabay abot sakin nong rose bago siya tumakbo palayo.


What the—What do you call that line? Kung keyboard daw ba ako? Kasi type niya ako. I don't know if it's corny, sweet, or gross.


"Ms. Valdez! I'm a sophomore student of Harrison University." Nagulat ako sa lalaking nasa harap ko. May inabot siya saking lavender na rose. Bleached din.

The Brainy RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon