Maxine Valdez
Pagkatapos naming magshopping, humiga agad sa kama ko yung dalawang lalaki. Umupo na lang ako sa couch.
Nagbubulungan silang dalawa pero wala akong marinig. Scott's a great whisperer I guess.
"Do you like Nate, Maxine?"
Doon na ako napatingin sa kanilang dalawa. "Nope."
"Burn! Hurts, man!"
Napailing na lang si Nate. "Hindi masakit. Ang overacting mo, Scott."
"Why did you ask anyway?" Takang tanong ko sa pinsan ko. His question came out of nowhere.
"I'm just amazed with the fact that you let a friend sleep here in your house."
Mapilit si Nate, eh. Ano bang magagawa ko?
"Delikado kasi na maiiwan siyang mag-isa rito. Ikaw ba, papayag ka na solo siyang titira dito?"
Napaisip siya. "Oo nga naman. Pero nasaan ba sina Tita? Bakit wala sila ni Margaret?"
I laughed bitterly. "I don't care about them." Tumayo ako at lumapit sa pinto. "Do you want cookies? Meron akong Oreo sa baba."
Tumango tango sila kaya kumuha ako ng pagkain sa kitchen.
Nathaniel Salazar
"Perfect lady si Maxine, 'no?"
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ni Scott. Yes, Maxine's perfect but her life isn't. Lalong lalo na doon sa issues niya sa kanila ni Glenn.
"She is."
"Sadly, she's not." Nangunot ang kilay ko sa sinabi niya. Why not? "Yes, given that she's a princess, that she's kind, but... she became a hard-headed, plastic, party girl."
Hard-headed, plastic, party girl... what? Parang ang hirap naman isipin nun. She's so fragile and so vulnerable! Hindi ganon kadaling paniwalaan ang mga sinasabi ni Scott kaya nagdududa ako kung sinisiraan lang ba niya si Maxine o kung totoo ba 'yon.
"What do you mean?"
"Naging ganon, eh. Sa pagkakaalam ko, gabi gabi siyang nasa bar, umiinom at nagpapakasaya. Sabihin na nating normal sa teenagers ang magparty at pumunta sa mga disco, pero her case is different. Executive Jaunty has been her home and rebellion has been her lifestyle."
BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."