TBR 52

599 21 8
                                        

Maxine's POV

"What about the red one? I love that!" Masaya kong sabi habang nagiisip kami ng oorderin mamaya for dinner.

Nathaniel laughed as he continued to play rock paper scissors with Rafael. "You know where I learned that?" Tumaas ang kilay ko para itanong kung saan. "YouTube."

I almost threw the pen on my hand at him. Sasabihin niya saking sa internet niya natutunan ang isa sa pinakamasasarap na pagkain sa Prime gayong ilang taon ang ginugol niya sa Germany para sa pag-aaral niya? Pinaglololoko yata ako nito.

"You don't watch YouTube, Papa." Singit ni Raf.

"I watch YouTube! Hindi mo lang nakikita!"

"No, you don't! The only time you use your phone is when you miss Tita Doc!" Lumingon ito sakin, may ngiting pang-asar na naglalaro sa mga labi. "Papa has tons of your pictures, Tita Doc."

I don't know if Nathaniel noticed but I felt blushing so hard. I laughed awkwardly as he scolded Raf for being too talkative.

Bumalik ako sa paperwork na ginagawa ko at hinayaan silang mag-usap doon.

We did not talk about having dinner together, bigla na lamang silang dumating dito sa office ko at sinabing kakain kami sa Prime ng gabi. It's a good thing I didn't have any schedule to interfere with. Kami lang dalawa, well, for Raf, ihahatid muna namin siya pauwi sa kanila. Aniya kasi ay sinundo niya ito from school kaya kasa-kasama niya.

"Okay, work time's over."

Tiningnan ko ito ng masama dahil sa sinabi niya. Nobody tells me when my working time is over. "What?"

"Time for dinner, Maxine. Anong oras na oh."

Umiling lamang ako at hindi na ulit siya pinansin. Bumalik ako sa pagtatrabaho. Minutes of silence later, nakarinig ako ng mahihinang hilik. Agad akong napa-angat ng tingin at nakitang tulog na si Rafael habang nakahiga sa katawan ni Nathaniel na nakasandal lang sa sofa.

I sighed and knew I had no choice. Nag-ayos ako ng gamit at tumayo na para umalis.

Nathaniel carried Raf as we went out of the building.

Nang maayos na ang pwesto ng bata sa likuran ay pinagbuksan ako ni Nathaniel ng pinto bago siya umikot upang maupo sa driver seat.

We were halfway to their house when I realized he wasn't speaking, nor was he giving me glances. Parati siyang ganon eh, in the last two weeks he fetches me from work, tuwing nasa sasakyan ay puro siya imik at tingin.

Tonight was different.

"Damn it. Stop the car." Miski ako ay nagulat sa sinabi ko pero hindi ko iyon binawi.

Wala pa ring imik itong tumabi sa kalsada. Seconds passed pero nakatingin pa rin siya sa daan, nasa manibela ang mga kamay, hindi umiimik. Hindi man lang nagtatanong kung anong problema.

I did though.

"What's your problem?" Masungit kong tanong. I was aware I sounded like that, and I wanted to. Para malaman niyang hindi ako nakikipagbiruan sa kahit kanino.

Akala ko ay iimik na ito pero huminga lang ito ng malalim.

My knees wobbled with his frustration, though I'm still not aware of what bothers him.

His right hand flew from the wheel to my left hand. Hinalikan niya iyon ng mababaw bago tumingin sa mga mata ko. "I know I did you wrong. I deserved the treatment, iyong parang wala lang ako, iyong hindi mo na 'ko pinapakinggan." Bumuntong hininga ito at parang nakaramdam ako ng kung ano sa bandang dibdib ko. "Pero pwede bang 'wag mong pabayaan ang sarili mo? Wala na 'kong pake kung wala ka nang pake sakin. Ang mahalaga, ayos ka lang. Kung hindi pa hihilik si Rafael, hindi ka pa titigil sa pagtatrabaho."

The Brainy RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon