Nathaniel Salazar
"Mag-usap daw kayo ni Maxine sabi ni Mama." Biglang sulpot ni Ate sa tabi ko habang tinititigan ko ang picture ni Maxine sa phone ko.
"Ate Natalie..."
"Mamaya na ang mga tanong. What I want you to do right now is talk and go get your girl. Okay ba 'yon?"
I smiled when she walked out of my room. Go get my girl. Yes, my girl.
Bumaba ako at tinuro sakin ni Mama na nasa garden daw si Maxine. Pagdating ko doon ay naabutan ko siyang nakatitig sa mga bulaklak ni Mama rito.
"Maxine."
"Nate." Ngumiti siya bago bumalik ang tingin sa mga bulaklak. "Salamat sa pagligtas sakin kagabi."
"You don't have to thank me." Napalingon siya sakin kaya nataranta ako. "I mean, it's my job. I have to protect you. I have to prioritize you."
Ngiti lang ang binigay niya sakin.
Everything around us feels awkward. After she asked me to think about it, after I shouted at her yesterday for being at the bar... ngayon pa lang ulit kami mag-uusap.
"Nate, I'm sorry for being sad." Magsasalita sana ako kaso inunahan niya ako. "Hush. I'm explaining. You see, kung hindi ako nalungkot, hindi naman ako pupunta sa Executive Jaunty. At dahil sa pagkalungkot ko nga, napasugod ka pa doon. And to think clearly, wala naman akong karapatang malungkot, eh. God, I was the one who forced you to leave! Ano pang karapatan ko na maging malungkot?"
I immediately hugged her. She can't understand things. Oo, gusto niya akong paalisin pero... it was me she was thinking about all the time. So she has all the rights to be sad kung pipiliin ko mang umalis.
"H'wag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga, ligtas ka mula doon sa tarantadong lalaki sa bar, at... kasama na kita ngayon, ang girlfriend ko."
Mabilis siyang humiwalay sakin. Tiningnan niya ako ng masama. "Anong girlfriend?"
Natatawa akong lumapit sa kanya. Atras naman siya ng atras. Peo pinagpatuloy ko lang hanggang sa tumama siya sa bakod noong mga orchids.
"Sa pagkakatanda ko kasi, mahal mo ako? At iniisip mo 'yong future ko? Mahal kita, at iniisip kita? Naalala ko rin na malungkot ka kasi malaki ang possibility na umalis ako. Baka naman... nakakalimutan mo 'yon, Ms. Valdez?"
Akala ko'y mauutal siya at mamamawis tulad ng mga babae sa mga kwento kapag nacocorner sila. Pero hindi, iba siya. Ngumisi siya.
"You think after exchanging 'I love yous', tayo na agad?"
I smirked too. "Plus, we kissed."
"Kapag naghalikan, magkarelasyon na agad?"
"And I saved you from that monster."
"Kapag niligtas, dapat sila na agad?"
"You cried because of me."
"Oh, tapos? Dapat tayo na agad?"
"I love you."
She winked before laughing hard. "No biggie." At kumaripas ng takbo papasok ng bahay namin.
Natawa na lang ako sa ginawa niya. I should be annoyed but surprisingly, I'm not. Napaka-cute niya habang tumatawa kanina.
BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."
