Nathaniel Salazar
Nagising ako ng maaga kasi may biglang humiga sa tabi ko.
"Nate, gising na! May ipapabigay ako sayo!" Hindi ko pinansin si Ate Nat kahit na ang gulo niya. Literally. "Nagbake ako ng cream cheese cookies para kay Maxine! Gusto mo rin?"
Umiling ako. "Ayoko! Baka lagyan mo ng lason!"
"Sama ng ugali nito. Hampasin kita, eh."
"Magpatulog ka na lang, Ate Nat! Ang laki mong gulo!"
Napabangon na rin ako dahil pinaghahampas niya ako ng mga unan. Minsan nalilito na rin ako sa edad nito. Mas bata yata sakin?
"Dalhin mo ito kay Maxine. Papatayin kita kapag hindi mo binigay."
Umirap ako nagsimula nang mag-ayos para pumasok sa Harrison.
~
Pagdating ko sa classroom, nandoon na si Maxine. Nakakapagtaka nga kasi hindi ngiti ang bungad niya sakin.
"Maxine!"
Lumingon siya sakin. "Hey." At tumalikod na ulit. Nagseselos pa rin ba siya sa amin ni Lorraine? Asarin ko kaya? H'wag na lang.
Lumapit ako sa kanya at inabot 'yong box ng cookies na pinapabigay ni Ate. "Pinapabigay ni Ate Natalie."
"Tell her how thankful I am." She said without even smiling.
Bumalik na siya sa pagkalikot ng cellphone niya na hindi man lang ako kinakausap ng maayos. What's the problem?
"Gusto mong lumabas ulit—"
"Nate, minsan ba naisip mo kung gaano kadaling mabuhay ng wala ako?" Seryosong tanong niya sakin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
My body was stunned but my heart shook sideways. Alam ng puso kong hindi madaling mabuhay ng wala siya. I'm not overreacting. I'm telling the truth.
"Gusto mong isipin ko 'yon?"
"Yes. Gusto kong isipin mo ang buhay mo na walang Maxine Valdez. Parang mas simple, diba? Mas madali, diba?" Her cold stares shot me dead but when she noticed how painful this is for me, parang bigla siyang nanlambot. "I swear to everyone alive, I'm doing this for you Nate."
Mabilis siyang lumabas ng room at hindi ko na siya nahabol pa dahil naguguluhan ako. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Now it is proven, Maxine is complicated but I like her so damn much.
"Hi Nate!" Nilingon ko ang kakapasok lang na si Aine. She was in all smiles when she went near me. "Bakit para kang tanga?"
"Tanga talaga?" Medyo natawa ako sa kanya. Straight to the point, wala nang ligoy.
"Hindi naman. Pinapangiti lang kita. Lungkot na lungkot ka, eh." Sinuntok niya ako ng mahina sa braso. "I think I get it... nakasalubong ko si Maxine kanina at ganyan din ang itsura niya. Nag-usap kayo 'no?"
"Hindi ko nga alam kung usap ba 'yon o ano. Ewan."
Inirapan niya ako, gaya ng parati, at hinila papunta sa cafeteria. Bumili kami ng maraming maraming mga pagkain kasi... wala lang. Stress eating siguro?

BINABASA MO ANG
The Brainy Rebel
Romance"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."