Special Chapter - Airport

620 21 14
                                    

Kanina pa iyak ng iyak si Amelio at awang awa na ako sa kanya. Buhat ko siya ngayon habang nakikipag-usap si Maxine sa mga kaibigan namin. Glenn and his family are migrating to New York. Mamaya na ang alis nila. Kaya nga nagtipon-tipon kaming magkakaibigan dito sa bahay nila.

"Papa, I don't want Kuya Hermes to leave!"

Pinunasan ko ang mga pisngi niyang basang-basa ng mga luha. "Bibisita tayo don minsan. Pwede naman 'yon, diba?"

Sila nina Hermes at Miguel, bunso nina Glenn at Raiko, ang pinaka-close sa kanilang magkakaibigan. Mga lalaki kasi, tapos magkakalapit pa ang edad.

"But that's America, Papa! I need an airplane to get there!"

Nakangiting lumapit sa aming dalawa si Hermes. "Tito, can I talk to Io?"

Binaba ko si Io at hinayaan silang magkaibigan na mag-usap. Pinanuod ko pa silang pumunta ng kitchen at doon na sila nag-usap ng seryoso.

Pinuntahan ko sina Maxine na nasa garden. Pagdating don, bakante ang katabi ng asawa ko kaya syempre, doon ako umupo.

"Nate, buti naisip mong puntahan kami dito," bati ni Raiko sa pagdating ko.

Binatukan ko nga. "Pinapatahan ko 'yung anak ko, gago."

Nagtawanan kami at nagkwentuhan lang ulit. Matagal pa siguro ito mauulit. Iyong kumpleto kaming ganito. Tuwang-tuwa akong kausap si Glenn nang mapansin kong sobrang tahimik ni Maxine.

"Love, are you okay?" Bulong ko bago siya hilahin palapit sakin.

She wrapped an arm around my waist and hid her face between my jaw and collarbone. Like she always does. "I'm not feeling well, Nate. Hayaan mo na ako... I'll be fine later."

"Hindi naman puwedeng hayaan na lang kita 'no." Sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya. I left soft kisses on her hair too. Inayos ko ang pagkakapulupot ng mga braso ko sa likod at balikat niya. "May masakit ba sayo? Masama ang pakiramdam mo?"

She looked up and smiled and kissed my chin. "I sure am getting better, love. Thank you."

Nung hapon na, hinatid namin silang lima sa airport. Iyong mga bata, iyakan nang iyakan. Lalo na si Artemis. Ayaw daw niyang iwan ang Tita Maxine niya. Pero kay Jacob talaga ako natawa. He acted like he feels nothing pero maya-maya ay siya na ang may pinakamalakas na hagulhol.

"Kuya Apollo, 'wag ka nang umalis! Ako ang magiging pinakamatanda!"

Nasapo na lang ni Prescott ang noo niya. Kinantyawan siya ni Belle at sinabing 'manang mana sayo ang anak mo'. Na ginantihan naman ni Scott dahilan para mag-away sila. Normal na 'yan. Hindi yata mabubuo ang kahit na anong reunion namin na hindi sila nag-aaway.

Hawak ko ang kamay ni Maxine at nasa unahan namin si Io na nakaakbay kay Miguel. Umiiyak ito at ang katabi naman niya ay nakangisi.

Bago pa makalayo sina Glenn, Aena, Artemis, Apollo at Hermes ay sumigaw pa si Miguel.

"Kuya Hermes, pasalubong ko ha!"

Tawang-tawa si Raiko sa sinabi ng anak niya kaya sinapak agad siya ni Aine. Miski ako ay natawa na lang din. Pero ito talaga si Maxine, walang imik.

Kanya-kanya na sila ng uwi kaya ngayon, kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa airport.

"Io, gusto mo mag-arcades?" Tanong ko sa anak kong nakatingala lang, nanunuod ng mga eroplanong sunod sunod na lumilipad.

The Brainy RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon