(ANG PAGIGING ISANG ASUWANG NI ALUCARD)
Sinindihan ko ang lampara atsaka mga kandila. Inalalayan ko si lolo na maupo na at kakain na kami ng gabihan. Lowbat na ang cellphone ko kayat wala ng magamit na flashlight. Lumabas na ng kwarto si Alucard na bagong gising. Pinapakain na siya ni mama subalit sabi niya...
"Busog pa ako." at lumabas ng bahay.
"Saan ka na naman pupunta?" Hindi na siya sumagot bagkus ay dire-diretso sa paglalakad hanggang sa kinain na siya ng dilim.
"Saan pupunta ang batang yun sa ganitong oras? Ni wala man lang dalang ilaw. Paano niya makikita ang daan. Paano kung may makasalubong siyang lasing at may dalang itak? Mabulong siya sa daan at iligaw ng mga engkanto? Haaay! Ano na kayong mga bata kayo. Ang bigat niyo sa ulo. " Alalang sabi ni mama.
"Hayaan mo siya kung saan niya gustong pumunta." Sabi ni lolo. Kumain nalang kami at bakas pa rin ang pag-aalala ni mama. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kay Alucard eh.
Magpapahinga na sana akosa kwarto nang makita ko si mama sa terrace.
"Ma." Tawag ko.
"Ano bang nangyayari sa kapatid mo?" Tanong ni mama at wala akong maisagot.
"Ako nalang ang maghihintay sa kanya, ma. Matulog kana." Sabi ko at hinihilot ni mama ang sintido niya.
"Kaninang umaga, pinagalitan ko siya. Tinatanong ko siya kung saan nanggaling subalit wala siyang sinagot kahit isa sa tanong ko. Anak ko kayo pero wala akong alam sa nangyayari sa inyong dalawa." Sabi ni mama.
"Ma, okay lang kami. Wag mo kaming alalahanin. Magpahinga kana. Ako na ang bahala sa kapatid ko." Sabi ko at niyakap siya. Pumasok na siya sa loob. Naupo ako sa may terrace at ako nalang ang naghintay sa kanya. Napakadilim ng paligid dahil walang kuryente. Ang mga poste ng kuryente ay nagtumbahan at isang buwan pa ang aabutin para maayos ang mga yun. Tiis-tiis muna sa lampara at kandila. Maraming bituin sa labas at sa hilagang parte ng Balagasan ay kumikidlat. Pinagmasdan ko lang ang kandila na maubos.
Kuliglig lang ang naririnig ko at maya-mayay nag alulong na ang mga aso. Malapit nang maubos ang kandila na nasa terrace subalit wala pa rin si Alucard. Inaantok na ako dahil sa pagod sa pagtulong sa paglinis kanina subalit nawala ang antok ko nang may makita akong apoy sa hindi kalayuan ng bahay namin. Apoy na bilog na nakalutang as in. Hindi naman yon shooting star diba? Dumatalbog siya at sumusunod siya sa tingin ko. Pakaliwa, pakanan, sumusunod talaga siya. Napatayo ako nang bigla itong lumaki habang nakatitig ako sa kanya. Ubos na ang kandila at pagtingin ko sa bolang apoy ay nawala itong bigla. Papasok na sana ako sa bahay nang magpakita siya ulit at nasa terrace na siya. Nasa harap ko na siya. Bigla siyang nagkorteng halimaw at ang laki ng kanyang bunganga. Parang kakainin ako.
"AHHHH!!!" sigaw ko at nagtatakbo paloob ng bahay. Ano yun? Kinakabahan ako at parang binabangga niya ang pinto. Parang inaalog niya ang bahay namin.
"Irithel, bakit ka sumisigaw?" tanong ni lolo.
"Lo, m-may apoy na lumapit sakin na nakalutang na bilog na naging halimaw tapos binabangga niya itong pinto. Ayaw niya umalis. Ano yung nilalang na yun?" Kinakabahang tanong ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Hindi ka talaga titigilan ng santelmo hangga't hindi ka niya nakukuha."
"Santelmo?" tanong ko at parang narinig ko na yan dati. Hindi ko lang matandaan. Nakita kong nagtungo si lolo sa kusina at pagbalik niya, may dala na siyang gallon at pag-amoy ko, suka?
"Iligo mo yan sa katawan mo para lubayan ka. Gusto niyang makuha ang kaluluwa mo." Sabi ni lolo
"Ha? Seryoso ka, lo? Suka ang ililigo ko?" Tanong ko at tumango siya at nagulat ako sa pagdagabog na naman ng pinto.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasyHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.