Balik pasukan na namin nila Alucard. It was December. Naglalakad ako papunta sa room namin nang makasalubong ko si Alice. Iiwas sana ako sa kanya kaso nakita na niya ako.
"Kamusta Irithel?" Tanong niya.
"Okay lang." sagot ko at pilit akong ngumiti.
"M-may klase pa ako kaya una na ako sa'yo." Sabi ko subalit lumapit siya sakinat hinawakan ang kwintas ko.
"Kanino galling ang kwintas na'to?" Tanong niya at agad ko itong itinago.
"Sa kaibigan ko." Sagot ko nalang at nagtungo na sa room. Kinakabahan ako habang kausap ko si Alice. Natatakot kase akong baka mamaya, katawan ko na ang maihain sa lamesa nila kaya't maari iiwasan ko na siya.
Pagdating sa room ay tumabi ako sa kay Monica.
"Irithel, kami na Noah."
"Ows di nga?" Hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya.
"Kaninang madaling araw ko siya sinagot." Sabi niya.
"Mabuti." Sabi ko.
"Teka. Ano 'yang pasa mo sa may leeg?" Tanong niya sakin. Nagtungo ako sa salamin ng classroom at tiningnan ang leeg ko at meron nga.
"Hindi ko nga alam. Minsan nagkakapasa ako sa braso, minsan nga meron din sa hita. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin tapos, alam mo Monica. Palagi kong napapanaginipan 'yung lalaki. Nakaputing damit siya tapos nasa paraiso ako. Maraming ginto at pinapakain niya ako ng itim na kanin."
"ANOOO?!" halos mapatingin lahat ng mga kaklase ko sa kanya dahil sa gulat niya.
"Wag mong kakainin 'yun. Wag na wag kase oras na kainin mo 'yun, hindi kana makakabalik dito sa mundo natin. Nasa mundo ka ng engkanto kapag ganun ang napapanaginipan mo."
"Engkanto?"
"Oo. Nagustuhan ka ng engkanto kaya ka niya pinapakain ng itim na kanin. 'Yun ang alam ko." Sabi ni Monica.
"Bakit naman magkakagusto ang engkanto sakin?"
"Mahaba ang buhok mo, maputi ka at matangkad. Isa kang diwata para sa kanila. Naattract mo ang mga engkanto sa itsura mo." Sabi niya at naalala ko ang sinabi ni Kevin noong nasa kweba kami. Sabi niya 'yung lolang dadaing kinukuha din ng engkanto dahil sa mahaba ang buhok niya at maputi.
"Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya.
"May pangontra ka ba? Alam ba 'yan ng mama mo?" Tanong niya sakin at umiling-iling ako.
"Pero simula nung sinuot ko ang kwintas na ito, hindi ko na siya napapanaginipan." Sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang kwintas.
"Ang ganda naman nito. Kanino galing?"
"Kay Martis. Nakakausap ko lang siya tuwing bilog ang buwan." Sabi ko at parang hindi siya makapaniwala sakin.
"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo sakin Irithel? Hindi ka ba nilalagnat? Hindi ka ba nag iimbento? Sinong tao ang gugustuhin na makipagkita sa kabilugan na buwan?" Sabi niya.
"Totoo ang sinasabi ko."
"Ang weird mo Irithel. Nasaang mundo ka kaya?" tanong niya habang natatawa siya.
"Ang bango niya. Ang mahalimuyak ng amoy niya. Tapos gwapo siya at maputi." Sabi ko sa kanya at pinaamoy sa kanya 'yung kwintas.
"Wala namang amoy eh." Sabi niya.
"Meron kaya." Sabi ko. Naamoy ko nga ang bango eh.
"Naeengkanto ka nga yata talaga." Sabi niya sakin.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasyHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.