KARINA's POINT OF VIEW
Unang beses kong nakita si Alucard ay noong naging bisita siya ni kuya drew. Sinisilip ko siya sa siwang ng kawayan sa taas ng kwarto ko. Ang gwapo niya, mabait at ang ganda ng kanyang ngiti. Hindi rin aksidente ang pagtatagpo namin. Nakasulat na iyon sa libro. Hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari non pero alam kong nakasulat na pati ang katapusan ng kwentong ito.
Nong naglilinis kami sa fairyland nung pinarusahan kami ng campus director, hindi ko siya iniwan. Binabantayan at tinititigan ko siya habang natutulog dahil kinabukasan ng araw na iyon ay magsisimuli sa una. Buburahin ni kuya Martis ang ala-ala niya sa memorya ng pamilya ni Alucard pero kami, sinigurao ko na hindi niya ako makakalimutan sapagkat hinalikan ko siya nung gabi na iyon.
Natauhan ako nang ibagsak ni ama sa lamesa ang nahuli niyang manok.
"Maghanda ka at pupunta dito ang lola mo." Sabi ni ama.
"Opo." Bumalik na muli ako sa kwarto at nagbihis. At paglabas ko ng kwarto ay nasa sala na si lola. Ewan ko nga ba kung bakit ako nabuhay sa pamilyang asuwang. Hindi ko alam kung swerte ako o malas. Nagmano ako kay lola at tumabi kay kuya.
"Sa susunod na bilog ng buwan. Aatake tayo."
"Saan? I mean, saan po lola?" tanong ko at napatingin si lola sakin. Ninety-nine years old na 'yan pero mukhang singkwenta palang siya. Naglalaway siya at alam kong gusto na niyang uminom ng dugo. Pampabata kasi ang dugo, kaya the more na maraming mamamatay na estudyante ng MSC, the more na tatagal ang buhay niya. Gusto ko na ring matigok 'yang matanda na 'yan, kaso wala akong karapatan para patayin siya kase kahit papaano lola ko pa rin siya. Kokonti lang ang kulubot sa kanyang mukha pero puti na ang buhok niya. Mamula-mula ang kanyang balat, mahaba ang kuko at lubog ang mga mata.
"Sa bahay ng babaeng natatangi ang dugo." Sagot ni lola at tumawa siya ng parang demonyo. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Nasa kapahamakan ang buhay ng pamilya ni Alucard.
"At ikaw Karina ang gusto kong humuli sa kanila."
"Po?" siniko ako bigla ni kua.
"kuya, hindi ko kaya 'yun!" Bumubulong na sabi ko sa kanya.
"Bakit hindi mo kaya?" tanong ni lola. Narinig niya pala.
"Gawin mo nalang." Bulong ni kuya at napabuntong-hininga nalang ako. Nasa harap ko nap ala si lola.
"Ikaw ang mag-aalay ng dugo niya sa akin sa kaarawan ko." Sabi niya at amoy ko ang lansa ng kanyang bibig. Malapit na nga pala ang birthday niya. Pa-one hundred years old na siya. Hindi yata nagtotoothbrush si lola. Mahihimatay na ako sa baho. Promise. Masusuka na pati ako. Amoy bulok. Ewww.
Umalis na siya sa harapan ko. Haaay, salamat. Lumabas na rin kami ng bahay ni kuya dahil sila naman nila ama't ina ang mag-uusap.
"Kuya, paano ko gagawin ang pinapagawa niya?" tanong ko
"Hindi ko alam. Gamitin mo si Alucard."
"Ayoko."
"Edi patay tayo kay lola kung hindi mo 'yan gagawin."
"Bakit kase takam na takam siya sa dugo ni Irithel?"
"Ewan ko. Tanungin mo si lola."
"Ayoko." Sagot ko nalang. Ssssh. Lumapit ako sa pintuan at pinakinggan ang pag-uusap nila pero masyadong blurred ang frequency. Hindi ko marinig.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Karina. Pag nalaman ni lola na gusto mo 'yang Alucard na 'yan. Patay ka."
"Ipaglalaban ko siya kapag nalaman niya atsaka hindi naman siguro sasabihin ni ama at ina no?" sabi ko at napakibit balikat si kuya drew. Nagulat ako nang biglang magbukas ang pinto. Tumingin lang sakin si lola at nag-anyong uwak na sila at lumipad na papalayo. Hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi ko pero totoo, nageexist ang mga katulad namin sa mundo. Kapag iniisip mo na toto kami, 'yun ang katotohanan pero kung ayaw mong maniwala, nabubulag ka ng mga nakikita mo.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasiaHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.