KABANATA 14

61 1 0
                                    

Nagising ako sa ingay dahil sa sigaw ni mama sa pangalan ko.

"Irithel, tumawag ka ng tricycle! Dadalhin natin sa ospital ang kapatid mo! Kanina pa siya nagsusuka ng dugo. Ang lolo mo naman hindi makalakad. Ano na bang nangyayari sa bahay na'to?!" tarantang sabi ni mama. Hindi pa ako nakakapaghilamos. Nagtungo ako sa kwarto ni Alucard at ang daming dugo sa kanyang kama. Kita ko ang hinang-hina na kapatid ko.

"Alucard, anong nangyari sa'yo? Saan ka nagpunta?" Tanong ko sa kanya.

"Wala ate. Sa school lang ako nagpupunta."

"Hindi ka ba nagpunta sa ibang lugar?" Tanong ko at umiling-iling siya. Nahawaan na din ako ng taranta ni mama. Naawa na ako sa kapatid ko. Agad akong tumawag ng tricycle at bumalik na sa bahay. Inalalayan namin siya sa kanyang pagtayo. Hindi na siya makalakad ng maayos at sa bawat paglakad niya parang matutumba na siya.

Hindi ako pumasok ngayong araw. Sinamahan ko si mama sa ospital. Agad na dinala sa emergency room si Alucard.

"Anong nangyari ma?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"Hindi ko alam. Paggising ko ngayong umaga, sumusuka na siya ng dugo. Kahapon, pag-uwi niya galing sa school ayos pa naman siya. Nakikipagbiruan pa nga siya sakin eh." Sabi ni mama. At nagtataka ako kung anong nangyari sa kapatid ko. Wala naman siyang sakit eh.

"Tatawagan ko lang ang papa mo." Sabi ni mama at tinawagan na niya si papa.

Maya-maya'y lumabas na ang doctor.

"Wala naman akong nakikitang dahilan ng pagsusuka niya. Baka may nakain lang siya kagabi na hindi nakasundo ng kanyang tiyan."

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama.

"Sumusuka ng dugo tapos sasabihin niyo may nakain lang?" Sabi ni mama.

"Walang problema sa kanyang katawan at wala kaming dahilan na nakikita para magsuka siya ng dugo. Sa katunayan, pwede niyo na siyang ilabas ngayon dahil wala naman siyang sakit." Sabi ng doctor at parang biglang nainis si mama.

"Halos mamatay na ang anak ko kakasuka ng dugo tapos sasabihin niyo na walang siyang sakit?" Inis na sabi ni mama. Umalis na ang doctor. Napaupo si mama sa bangko at napahawak sa kanyang ulo.

"Irithel, umuwi ka na muna. Walang kasama ang lolo mo doon. Hindi 'yun makatayo at masakit daw ang likod niya." Sabi ni mama.

"Kakausapin ko muna si Alucard." Sabi ko at nagpunta sa emergency room. Kita ko ang nanghihina kong kapatid.

"Ate, hindi ko na kaya." Sabi niya at naiiyak na ako.

"Anong masakit sa'yo? Sabihin mo sakin? Bakit bigla kang nagkaganito?" Tanong ko sa kanya at umiiyak na siya.

"Hindi ko alam ate. Parang ang daming gumagalaw sa loob ng katawan ko. Ang sakit ate. Hindi ko na kaya." Sabi niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ngayon lang siya naospital ng ganito. Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko. Hindi ko kakayanin.

"Lumaban ka, Alucard ha. Magiging okay din ang lahat. Basta lumaban ka lang. Para sa amin ni mama at papa ha?" Sabi ko para lumakas ang loob niya at punong-puno ng luha ang kanyang mga mata.

"Ang sakit ate. Buhay pa ako pero pinapatay na ang loob ko." Sabi ng aking kapatid at bigla kong nakita ang anino na sumusunod sakin. Bigla kong naisip nab aka siya ang may gawa nito sa kapatid ko. Baka ang prinsipe na 'yun ang may kagagawan nito.

"Laban ka lang, Alucard. Gagawa ako ng paraan para gumaling ka ha." Sabi ko at hinalikan siya sa noo. Lumabas na ako ng emergency room at nilagpasan ko lang si mama. Agad akong umuwi at nagtungo sa kwarto ko.

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon