KABANATA 8

34 1 0
                                    

KARINA's POINT OF VIEW

Napatingin ako sa right side ng ilog. May dike doon at may sidewalk. Maraming taong dumadaan pero ang pumukaw ng atensyon ko ay si lola na may kasamang tauhan niya. Wari ko'y ala-sais na ng gabi. Agad akong kumalas sa yakap niya at umahon sa tubig.

"Pasaan kana Karina?" tanong ni Franco. Sumunod naman sakin si Alucard. Tinulungan niya akong mag-suot ng uniform.

"Kailangan ko ng umuwi."

"Bakit?"

"Basta. Uuwi na ako. Salamat." Sabi ko at sinakbit na ang bag at nagtatakbo na papalayo sa kanila. Nakita kaya ako ni lola? Patay na. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagpalit at nahiga sa aking kama. Haaays. Ayokong mapahamak siya dahil sakin. Pero mas ayokong mawala siya.

"KARINAAAA!!!!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni ama. Agad akong napabalikwas sa kama at lumabas ng kwarto.

"Nakita ka ng iyong lola na nakikipaglandian sa ilog!" sabi niya at hinigit ang aking braso. Galit nag alit si papa dahil sa mukha niyang mapula at sa naglalapat niyang ngipin. Kinuha niya ang latigo sa loob ng cabinet atsaka ako'y hinampas.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi kayo pwede ng lalaking 'yun!" sigaw ni papa habang hinahampas ang likod ko. Napaiyak nalang ako sa sakit ng latigong bumabakat sa aking balat. Dumating sina ina at kuya. Pinipigilan nila si ama subalit ayaw niyang magpapigil. Napahiga nalang ako sa sahig na sa bawat paghampas niya ay tila ba ako'y mamamatay na.

"Tama na 'yan. Maawa ka sa anak mo." Wika ni ina.

"Hindi ko 'yan titigilan hangga't hindi siya nagtitino." Sagot ni ama at sampung beses na hampas pa ang natikman ko bago siya tumigil.

"Hindi ako nagkulang ng paalala sa'yo, Karina." Sabi ni kuya.

"Bakit hindi mo nalang sinabi na kaya kasama mo si Alucard dahil gagamitin mo siya para makuha si Irithel." Dagdag pa ni kuya subalit hindi ako sumagot. Inalalayan niya akong tumayo. Nagtungo ako sa kubeta at pinunasan ang mga bakat ng latigo sa aking katawan na puno ng dugo. Wala na akong gandang ihaharap kay Alucard dahil sa nakakaawa kong itsura.

KINABUKASAN kahit ganoon ang nangyari ay nakipagkita pa rin ako sa aking mahal. Napansin niya ang mga sugat sa aking braso.

"Ano 'yan? Anong nangyari diyan?" Tanong niya at umiling-iling ako.

"Wala 'yan. Naging aso ako kanina tapos napadaan ako sa grupo ng mga bata. Pinagbabato nila ako. Kaya 'yan ang nangyari. Wag mo ng pansinin 'yan." Sabi ko at pinatalikod niya ako at itinaas ang aking uniform.

"Magsabi ka ng totoo, Karina. Ano ngang nangyari?" Tanong niyang muli. Nasa bench kami ngayon at kumakain. Kinuha ko ang sofrtdrinks at ininom 'yun ng walang tigil. Ngumiti lang ako at naghihintay siya ng sagot ko.

"Wala nga 'to. Promise." Sagot ko at nakatingin lang siya sakin. Natawa lang ako. Napatalikod ako bigla sa hallway dahil papadaan si lola. Kasama ang mga tauhan niya.

"Oh bakit ka nakatalikod?" Tanong niya.

"Wala. Kaya ayaw kong magtahan dito eh. Mas gusto ko pang sa fairyland nagtatahan kasi walang makakakita satin dun." Sagot ko.

"Diba siya 'yung President ng school? Papalapit siya satin."

"A-anoooo?"gulat kong sabi at pagkaharap ko. Tumambad sa akin si lola at tauhan niya.

"Magandang umaga po." Sabi ni Alucard. Napatayo nalang ako at nagmano sa kanya.

"Pumunta ka sa opisina ko, Karina." Sabi niya

"Opo."

"Wala ba kayong klase?" Tanong ni lola.

"Vacant po namin." Sagot ni Alucard at napatingin lang ako sa kanya. Isusumbong na naman niya ako kay ama panigurado. Pag-uwi ko sa bahay, bugbog na naman ako. Umalis na sila at nagpaalam na ako kay Alucard.

"Magkita na lang tayo mamaya." Sabi ko at tumango lang siya. Sumunod na ako sa kanya.

"Katipan mo ang lalaki na 'yun? Nakita ko kayong magkasama kahapon sa ilog. Naliligo. Akala mob a hindi kita nakita?" Bungad niya sa akin pagkarating namin sa office niya. May malaki siyang litrato na nakalagay sa likod ng table niya. May dalawang upuan sa harapan ng table, upuan ng mga bibisita sa kanya o ng mga kakausapin niya. May secret room pa ang office na ito kung saan nandoon ang kabaong niya, doon siya natutulog o nagpapahinga. Madilim doon at anim na kandila lang ang nakabukas. Doon siya minsan nagdadasal ng ritwal niya.

"Mahal ko siya lola at handa akong ipaglaban siya sa inyo kahit na kapalit nun ay buhay ko." Sagot ko at natawa siya.

"Balita ko kapatid siya ng babaeng natatangi ang dugo."

"Pakiusap lola hayaan niyo na po sila."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!!!" Bigla niyang sigaw sa akin.

"Gagamitin kita para makuha ang babae na 'yun! Naiintindihan mo ba?!!!"

"Ikaw ang may pinakamatigas na ulo sa mga apo ko. Gayahin mo si Alice. Agad niyang sinusunod ang utos ko." Sabi niya at tila ba mapuputulan na siya ng hininga.

"May dalawa kang pagpipilian Karina. Patuloy mong mahalin ang lalaki na 'yan subalit kailangan niyang umanib satin o patuloy mo siyang mahalin ngunit mamamatay ka. Mamili ka!" sabi niya at napaluha nalang ako.

"Bakit po ba kailangang sila? Bakit sila ang kailangang kalabanin? Bakit buhay at dugo nila?"

"Dahil sa lolo nila!" sagot ni lola. Si lolo Peping?

"Tuwing kabilugan ng buwan nagkikita sila ni Utik. Doon sila magkasamang naglalaro samantalang ako? Ako ang nagmamahal sa kanya pero mas pinili niya ang babae na 'yun! Hindi niya ako matanggap dahil isa daw akong asuwang." Umiiyak na sabi ni lola.

"Bakit ngayon palang kayo naghihiganti?"

"Dahil bukod sa kasalanang nagawa niya sakin. Ang apo niya ang itinakda."

"Itinakda saan?"

"Ang pumatay sakin. Kaya bago niya ako mapatay, siya muna ang papatayin ko." Sabi ni lola atsaka tumawa ng pagkalakas lakas na tila sinasaniban ng demonyo.

Lumabas na ako ng opisina niya bago pa ako mahawaan ng kasuklaman niya. Nakipagkita akong muli kay Alucard na nasa bench pa rin.

"Anong pinag-usapan niyo?" Tanong niya.

"'Yung lolo mo ba may nakukwento sa'yo tungkol sa babaeng asuwang?' Tanong ko at napakunot ang noo niya.

"Ah, wala naman. Kay ate Irithel 'yun madalas magkwento. 'Yun ang favorite nun eh." Sagot ni Alucard at hindi nalang ako umimik.

Pagkauwi ko sa bahay hindi naman ako pinagalitan ni ama. Inaalala ko lang ang sinabi ni lola na "Patuloy mong mahalin ang lalaki na 'yan subalit kailangan niyang umanib satin o patuloy mo siyang mahalin ngunit mamamatay ka." Wala akong gusto sa pagpipilian. I'd rather not choose dahil ayaw kong maging katulad ko siya. Ayokong gigising siya isang araw na takam na takam siya sa dugo ng tao. At mas lalong ayaw kong mamatay ako. Napabuntong hininga nalang ako at humiga. Napakakomplikado ng buhay ko. Why it has to be them? Sa dinami-dami ng pamilya, pamilya nila Alucard pa. Haaays.

Natagpuan ko ang sarili ko na kasama ang ibang miyembro ng kulto. May mga hawak kaming kandila at dinadasalan namin ito ng latin. Sa gitna ng pagdadasal ko ay unti-unti na palang nawawala ang aking mga kasama. Nakita ko silang nakapila sa harap ni lola at isa-isa niya itong sinusuotan ng lubid sa leeg atsaka binibitay. Halos lumabas na ang aking puso sa dibdib sa sobrang takot. At ang buong silid ay napapaligiran ng mga taong ibinitay ni lola. Napatingin siya sakin at ngumiti ng sa demonyo. Lumapit siya sa taong nakaupo sa gitna. May tali ang kanyang kamay at paa at may itim na supot ang kanyang ulo. Iniharap niya iyon sa akin at nang alisin niya ang supot, tumambad sa akin ang mukha ni Alucard na umiiyak.

"Tulungan moko, Karina. Karinaa..." wika niya subalit para akong statwa sa kinatatayuan ko. Ayaw gumalaw ng aking katawan. Kinuha ni lola ang kutsilyo.

"WAAAAAGG!!! LOLAAA WAAAAG!!!" sigaw ko subalit ang tawa niya ay umalingawngaw sa loob ng silid na napakabaho. Dinilaan niya ang kutsilyo atsaka ginilitan ang leeg ng taong ko.

"WAAAAAGGGGG!!!"

"Hoy, Karina." Napabalikwas ako ng bangon at nasa harap ko si kuya. Panaginip lang pala. Nakahinga na ako ng maluwag pero ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Kakain na tayo. Tumayo kana diyan. Ikaw ay pagod sa eskwela tapos tutulog ka. Malamang, babangungutin ka." Sabi ni kuya. Nagpaliiit na ako ng damit atsaka lumabas na ng kwarto.

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon