ALUCARD POINT OF VIEW
Pagkatapos ng klase ay nagkita kami sa dating tagpuan. Atsaka niyaya na niya akong magtungo sa paradahan nila kung saan doon din kami sumakay nila Drew.
"Sigurado kana?" Tanong ni Karina at tumango ako.
"May oras ka pa para umatras."
"Hindi ako aatras. Nakapagdecide na akong ligawan ka kaya tutuparin ko 'yun." Sagot ko at hinawakan ang kanyang kamay. At nakita ko ang mga tingin ng mga tricycle driver. Nagtataka sila at tila ba natatakot sa nakikita nila. Hindi ko na sila pinansin. Pumasok na kami sa tricycle.
"Sana." Napatingin ako sa kanya.
"Sana?"
"Sana pagkatapos neto, gustuhin mo pa din ako sa paraang gusto mo." Wika niya at inakbayan ko siya.
"Ano ka ba, gustong-gusto kita kahit ano ka pa. Hindi 'yun magbabago. Kahit na alien ka oa, gugustuhin pa din kita." Sagot ko at hinalikan siya sa noo.
"Promise?"
"Promise at muli siyang hinalikan sa noo."
Bumaba na kami sa tricycle. Kinakain na ng dilim ang liwanag at tinatahak namin ang daan, kung saan daan din papunta kana Drew. Bigla akong nakaramdam ng pag-aalinlangan. Kung kanina buong-buo ang loob ko, ngayon para akong natauhan. Tama ba itong ginagawa ko? Basta ang alam ko lang mahal ko siya. Mahal ko na agad siya kahit ilang linggo palang kami na magkakilala. Tumigil kami sa tapat ng bahay nila Drew at napabitaw ako sa kanya ng kamay. Nauutal ako habang nakatingin lang sa kanya.
"A-anong ginagawa natin dito sa bahay nila Drew?" Tanong ko.
"Pasok tayo." Sabi niya at bigla akong napaatras.
"Hindi ka namin kakainin. Wag kang mag-alala." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at pumasok na kami sa loob. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa sobrang kaba at parang hihimatayin na ako sa takot. Ngayon na yata ako mamamatay pero talagang gusto ko si Karina kaya lalakasan ko ang loob ko. Isa akong Landig. Matapang ang lolo ko kaya matapang din ako!!!! Ahooo! Ahooo!
Binuksan niya ang ilaw at naupo ako sa kawayan na bangko. Yung bahay nila gawa lang sa kawayan. May taas sila at gawa din iyon sa kawayan. Hindi ko masabing mayaman sila o mahirap. Lumabas ng kwarto si Drew at nagulat siya nang makita ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Drew.
"Bisita ko siya." Wika ni Karina. Ibig sabihin, si Karina ang sinasabi ni Franco na magandang kapatid ni Drew.
Maya-maya'y dumating na ang kanyang mga magulang. Nagulat sila nang makita nila ako. Bumless ako sa kanila tanda ng paggalang. Sila ang future mother and father in law ko. Sure na yata talaga akong asawahin si Karina.
"Anong ginagawa niyan dito?" Tanong ng tatay niya. Kinakabahan ako tngina. Gusto ko tawagin lahat ng santo para makalabas ako ng buhay sa bahay na'to pero hindi ako natatakot! Atapang atao ako!!
"G-gusto ko po sanang hingin ang permiso niyong ligawan ko si Karina." Sabi ko at natawa si Drew sa sinabi ko. Hinihintay ko ang sagot ng kanyang mga magulang.
"Diba ikaw 'yung kaklase ni Drew na nagtatakbo dahil pinagbibintangan niyo kaming asuwang?" Tanong ng mama niya at bigla akong napaunok.
"Maari ka ng makaalis at layuan mo ang anak ko" Wika ng kanyang tatay atsaka tinalikuran kami. Lumapit sa akin si Drew.
"Tol, better luck next time." Sabi niya at iniwan kami ni Karina sa sala.
"Umalis kana." Sabi ni Karina at bigla niya akong pinagtabuyan palabas ng kanilang bahay. Tinulak niya ako palabas at malakas na isinara ang pinto. Nastuck ako sa harap ng pintuan at ramdam ko na nandoon pa siya.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasiHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.