Prologo

260 6 2
                                    

Sabi nila kapag bilog ang buwan, doon naglalabasan ang mga engkanto.

Doon umaalulong ang mga aso dahil may nakikita silang hindi nakikita ng ordinaryong tao.

Takot magsilabasan ang mga tao tuwing bilog ang buwan pero doon gustong maglaro ng mga bata ng tagu-taguan dahil maliwanag ang buwan.

Kapag maglalakad kang mag-isa, doon tatayo ang balahibo mo dahil may nakasunod sa'yo o may nakatingin sa'yo.

Biglang may sisitsit sa'yo kahit walang tao. Doon tatahimik ang paligid at tila ba may nagpaparadang mga kaluluwa.

Pero ako..

Hindi ako natatakot dahil noong bilog ang buwan, doon ko siya nakilala.

Hindi ko alam kung anong klase siyang tao.  Pero 'yung amoy niya, nakakaiba.

Sa ilalim ng bilog ng buwan kami nagkausap.

May pakiramdam ako na kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Parang hinihigit ako ng buwan papalapit sa kanya kahit na lumayo ako. Tila may magnetic field ang lalaki na iyon na palagi kong hinahanap. Tila nakokontrol ng buwan ang isip ko para paulit-ulit akong lumapit sa kanya.

At nagsimula ang kwento ko noong lumipat kami ng bahay sa probinsiya. Ang hometown ng mama ko.

/////////////

Magpapublish ako ng mga chapter kada bilog ang buwan. Thank you for the votes and comment. 💖

2018

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon