At sa isang minuto ng paglalakad namin ay nagbago ang paligid, tinatahak na namin ang daan pauwi sa bahay. Napatigil ako sa paglalakad at napatigil din siya.
"Bukod sa pagbura ng ala-ala. Ano pa ang kaya mong gawin?" tanong ko.
"Baguhin ang nakikita mo sa paligid. Binabasa ko kung ano ang nasa isip mo at sinusunod ko ang gusto mo."
"Huh? Ibig sabihin, nagiging paraiso ang paligid natin, hindi dahil sa ikaw ang nagdala sakin dun kundi iniisip ko lang? Baliw na ako?" Sagot ko at natawa naman siya.
"Mahal, ganito 'yan. Isipin mo nasa paraiso ka." Sabi niya at ginawa ko naman iyon. Nagbago ang paligid ko at bumalik kami sa paraiso niya.
"Paraiso natin." Pagtatama niya sa sinasabi ko sa aking isip at natawa ako. Waaah. He moves in mysterious way.
"'Yan ang iniisip mo kaya gagawin kong totoo." Dagdag pa niya.
"Ginagawa mong totoo ang imahinasyon ko?" tanong ko at tumango siya.
"Hindi malayo sa realidad ang imahinasyon. Mas makatotohanan ang mga bagay na hindi nakikita ng mga mata." Sagot niya at bumalik na kami sa kalsada. Nasa kalsada kami dahil hinahatid na niya ako pauwi.
"Kaya mo din bang makita ang future?" Tanong ko at hindi agad siya nakaimik. Nakita ko ang pamumuo ng luha niya.
"Umiiyak ka?" Tanong ko at tila isang dyamanteng bumagsak ang luha niyang bumagsak mula sa kanyang mga mata. Natigil din naman agad iyon at hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Iuuwi na kita." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Gabi na ng makarating ako sa tapat ng bahay namin. Tulog na kaya sina mama?
"Pasok kana." Sabi niya at hinalikan ko siya at papasok n asana ako sa bahay nang mapatigil ako dahil andoon pala si mama. Hindi ko nakita. Tiningnan ko siya na parang walang nangyari.
"Sino ang lalaki na 'yun? At hinalikan mo pa talaga, Irithel." Sabi ni mama at pumasok nalang ako sa bahay.
"Wala ma. Kaibigan lang."
"Si Alex ba 'yun?" Tanong ni mama
"Hindi ah." Sabi ko at sumandok na ng kanin. Tuyo ang ulam namin at piniritong talong. Okay lang. Kumain na ako habang nagbubusa pa din si mama.
"Dis oras na ng gabi nasa lansangan ka pa. Wala ka sa Manila. Dito alasais palang nasa loob na ng bahay ang mga tao." Sabi ni mama. Oo, alam ko. Ang daming beses mo ng sinabi sakin 'yan ma. Pero kahit ganyan ka, pauli-ulit nalang ang sinasabi mo. Mahal na mahal kita. Naalala ko na naman ang pangyayari noong nasa barko kami. Tumayo ako at niyakap si mama.
"Sorry po, mama. Mahal na mahal kita." Sabi ko.
"Aish, Irithel. Wag mo akong daanin sa lambing mo na 'yan."
"Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ikaw ang mama ko." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Napangiti naman si mama. Alam niyo, before we went here sa Province of Marinduque, hindi maganda ang relasyon namin ni mama. Nung nasa manila pa kami. I was always in the club, dancing and drinking with boys. Pinapagalitan niya ako dahil don. Normal lang naman na pagalitan ng magulang ang anak but that time, sobrang ginagalit ko si mama. Ewan ko ba, party goer ako dun eh, may time na isang beses humithit ako ng Marijuana. 'Yung tipong halos palayasin na niya ako sa bahay dahil sa galit. At nang lumipat kami dito sa Barangay Balagasan, nagbago talaga lahat. Narealize ko kung gaano kahalaga ang pamilya ko sakin at bawat segundo na kasama ko sila, dapat pinapahalagahan ko 'yun. Lahat tayo mamamatay, at least maikwento ni mama kay St. Peter na may mabuti siyang anak. Siguro, sapat na 'yun para makapunta siya sa langit no? Kapag nawala si mama, hindi ko alam kung anong magiging buhay namin ni Alucard. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko kakayanin.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasiaHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.