Kinahapunan, sa may crossing na ako bumaba dahil taga Mainit ang nasakyan kong tricycle. Naglalakad ako nang dumating si Alex na nakabike.
"San ka galing?" tanong ko. Dahan-dahan siyang nagbabike sa gilid ko.
"Diyan sa katabing barangay. May kinuha ako sa kaklase ko. Maaga akong nakauwi kanina eh. Hindi na kita nahintay." Sagot niya
"Boyfriend mo ba 'yung kasama mo kanina?" Tanong niya at hindi pa ako nakakasagot ay bigla siyang natumba sa bike. 'yung tumba na parang may tumulak. Kalsada naman ang inaapakan namin at hindi lubak-lubak.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko habang tinutulungan siyang tumayo. Itinayo na niya ang kanyang bike at inalalayan niya nalang ito habang sumasabay sa paglalakad sa akin.
"Basted na ba ako, Irithel?" Tanong niya at walang kontrol-kontrol ay nagbike mag-isa ang bike niya. Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkataranta kaya natawa nalang ako. Hinabol niya ang bike na gumagalaw ng kusa kahit walang sumasakay.
"Pwede bang mag-usap ulit tayo?" Sigaw niya at tumango nalang ako. Haaay naku. Alam ko kung sino ang may gawa nun.
"Martis?" Tawag ko sa kanya at naramdaman ko ang pagdating niya.
"Isang tawag mo lang ay nandiyan agad ako. Kapag kailangan mo 'ko nandiyan agad ako. Oo, seryoso. Mas mabilis pa sa alas-kwatro. Darating ako. Pag gusto mo kasama mo 'ko." Sabi niya
"Fan ka ba ng ex battalion?" Tanong ko at natawa lang siya.
"Narinig ko lang 'yan sa isip mo." Sagot niya
"Sus. Anong ginawa mo kay Alex?" Tanong ko.
"Iwasan mo na siya. Nandito naman na ako." Sagot niya at natawa ako.
"Nagseselos ka?"
"Ano 'yung selos?"
"'Yung gusto mo sa'yo lang ako. Ayaw mo akong makipagkaibigan sa iba."
"Bakit nagseselos?"
"Dahil ayaw mo akong mawala."
"Oo. Ayaw kitang mawala." Sagot niya at niyakap ako. Hinalikan niya ako sa noo. Hinawakan ang aking kamay at hinatid na ako pauwi.
"Alam mo ba 'to?" tanong ko at nilahad ang palad at tinusok ng hintuturo. Umiling siya. Lumapit ako sa kanya at bumulong.
"Pagtatalik."
"Gusto mo?" tanong niya. Inabot niya ang kama ng aking bibig at inilapat ang malambot niyang labi. Pinulupot ko ang aking braso sa leeg niya. Nasa gilid kami ng kalsada at alam kong walang nakakakita samin. Isinuot niya ang isa niyang kamay sa uniform ko hanggang sa lakabayin niya ang bundok na nassa ilalim ng aking bra. Bumaba ang halik niya sa leeg ko papunta sa dibdib nang bigla siyang mapatigil.
"Sinong nasa bahay niyo?" Tanong niya
"Sina mama?" Patanong kong sagot. Inayos niya lang ang damit ko at pagkahatid niya sa akin sa bahay ay umalis na siya. Pagkapasok ko sa bahay ay tumambad sa akin si...
"Karina?" Gulat kong tanong.
"Magandang hapon po, ate." Bati niya sa akin.
"Andiyan kana pala. Diba napakilala ko na siya sa'yo, ate?" Wika ni Alucard at inilapag sa lamesa ang juice na tinimpla niya.
"Oo." Sagot ko nalang.
"Nasan si mama at lolo?" Tanong ko subalit hindi sumagot si Alucard dahil nakikipagkwentuhan na agad sa jowa niyang hilaw. Inilapag ko lang ang gamit ko at lumabas. Nakita ko si lolo na dala-dala ang bunto't-pagi niya.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasíaHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.