Pinagtimpla ko sila ng kape para mainitan ang kanilang katawan. Walang kuryente kaya tiis-tiis muna sa kandila. Hindi ko pa rin alam kung nasaan sina mama pero sana lang ay ligtas sila. Pagkatapos nilang magkape ay pinahiga ko na muna sina ina at Karina sa kwarto ni mama. Samantalang kami ni Martis ay nahiga sa kwarto ko. Inaantok na rin ako dahil wala pa akong tulog. Pumatong ako sa katawan niya at doon nahiga. Mas malakas ang pagtibok ng puso niya kesa sa hangin at ulan sa labas na sumisipol. Niyakap niya ako at binigyan ng init. Ilang sandali lang ay nakatulog na ako.
"Pinigilan ko ang kapatid mo." Iminulat ko ang mata ko at nakapagtataka na nakakausap ko si Elfren e alam kong kasama ko si Martis matulog.
"Binuo ko ang bagyo para pigilan siya." Dagdag niya.
Anong pigilan?
"Hindi mo pa rin ba alam? Bakit kay tagal mong malaman ang katotohanan Irithel? Lahat ng tao sa lugar na itoy mamamatay. Kamag-anak mo, kaibigan mo, mga mahal mo sa buhay. Iniisa-isa na kayong kunin. Ikaw, ikaw lang ang maliligtas. Hindi mo pa rin ba nakikita?" wika niya at namumula ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung galit siya o ano.
"Sa paggising mo, hindi na siya ang kapatid na kilala mo." Dagdag pa niya.
"Hindi. Hinatid siya ni Martis sa bahay." Sagot ko.
"Bakit gumaling ang kasintahan niya?" tanong niya
"Diba dahil sinakripisyo niya ang kaluluwa niya?" dagdag nito
"Ano pa bang nalalaman mo ha! Bakit hindi mo sabihin sakin lahaaat! LAHAAAAT!!!" galit kong sigaw sa kanya. At nawala na ang mapula niyang mukha. Natawa siya sakin.
"Pinamumukha na sayo ang katotohanan pero nananatili kang bulag. Bakit ganyan kayong mga tao? Kailangan munang makita bago maniwala?" Sabi niya at papalapit siya sakin at ang itsura niya'y nagbabago ng anyo. Nagkakaroon na siya ng sungay, mapupula ang mata niya, at isa na siyang demonyo habang humahalakhak ng tawa.
Bigla akong nagising habang naghahabol ng hininga. Pagtingin ko sa pintong bumukas ay pumasok si mama.
"Nakauwi kana pala." Sabi niya. Pagtingin ko sa gilid ko wala na si Martis. Tumayo ako tiningnan ang kwarto kung nandoon pa sina ina subalit wala na rin. Hupa na ang bagyo, wala ng malakas na ulan at hangin na sumisipol.
Lumabas ako ng bahay, sikat na ang araw subalit kitang-kita ko ang malaking pinsala ng bagyo sa lugar namin. Tumba ang bulaksina sa gilid ng kalsada, ang kawayan na bakod sa paligid ng bahay ni lolo ay tumba, ang kanyang mga pananim ay nasira, sa likod naman ng bahay ay tumba halos lahat ng saging, dinig ko ang malakas na lagaslas ng tubig mula sa sapa.
"Hindi pa rin umuuwi ang kapatid mo."
"Ano?"
"Nung lumakas ang bagyo nagpunta kami ng lolo mo kana Alex. Natakot ako na baka magiba itong bahay, halos mamatay na ako sa pag-alala sa inyong magkapatid tapos yang Alucard na yan wala pa rin. Dati ikaw ang nawawala, ngayon siya naman. Samahan mo ako sa police station pagkatapos nating maglinis."
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasiHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.