KABANATA 20

11 0 1
                                    

Ikawang pagbabasa ni Irithel sa libro.

II

ᜎᜓᜈ ᜅ᜔ ᜁᜐᜒᜈᜓᜉᜅ᜔ ᜃᜆᜏ ᜀᜅ᜔ ᜀᜆᜒᜅ᜔ ᜎᜏ ᜀ ᜇᜓᜄᜓ᜵
Lunas ng isinumpang katawan ang ating laway at dugo,
ᜋᜉᜁ ᜀᜅ᜔ ᜆᜆᜑᜃᜒ ᜈᜆᜒᜅ᜔ ᜇᜀ ᜐᜓᜊᜎᜒ ᜐ ᜐᜓᜐᜓᜈᜓ ᜈ ᜑᜊᜅ᜔ᜊᜓᜑ
mapait ang tatahakin nating daan subalit sa susunod na habang-buhay
ᜉᜆᜆᜉᜓᜁ ᜉ ᜇᜒ ᜀᜅ᜔ ᜈᜏᜎ ᜈ ᜉᜓᜐᜓ᜶
pagtatagpuin pa rin ang nawalay na puso.
ᜊᜎᜒᜊᜎᜒᜆᜇᜒ ᜋ ᜀᜅ᜔ ᜋᜓᜇᜓ
Bali-baliktarin man ang mundo
ᜉᜆᜓᜅᜓ ᜐ ᜑᜒᜎᜄ᜵ ᜆᜒᜋᜓ᜵ ᜃᜎᜓᜇ ᜀ ᜐᜒᜎᜅ
patungo sa hilaga, timog, kanluran at silangan
ᜁᜃ ᜀ ᜀᜃᜓᜓ ᜉ ᜇᜒ ᜀᜅ᜔ ᜆᜒᜆᜒᜇᜒ ᜐ ᜎᜓᜉ᜶
ikaw at ako pa rin ang titindig sa lupa.

ᜇᜒᜈᜎ ᜈᜒᜌ ᜀᜃᜓᜓ ᜐ ᜃᜈᜒᜎᜅ᜔ ᜆᜑᜈ ᜋᜎᜌᜓ ᜐ ᜀᜋᜒᜅ᜔ ᜊᜌᜓ
Dinala niya ako sa kanilang tahanan malayo sa aming baryo
ᜐᜓᜐᜓᜂᜅᜒ ᜋᜓ ᜋᜓᜈ ᜀᜅ᜔ ᜋᜊᜅᜒ ᜈ ᜃᜄᜓᜊᜆ
susuungin mo muna ang mabangis na kagubatan
ᜀᜅ᜔ ᜆᜎᜓ ᜈ ᜃᜐᜒᜅ᜔ᜎᜃ ᜅ᜔ ᜆᜒᜊᜓ ᜅ᜔ ᜉᜓᜐᜓ ᜃᜓᜓ ᜀᜅ᜔ ᜉᜎᜄᜎ ᜅ᜔ ᜆᜓᜊᜒ ᜐ ᜐᜉ
ang talon na kasing-lakas ng tibok ng puso ko ang paglagaslas ng tubig sa sapa
ᜀ ᜉᜃᜆᜉᜓ ᜐᜓᜐᜓᜇ ᜋᜓ ᜃᜓᜓᜅ᜔ ᜐᜀ ᜁᜆᜒᜈᜓᜆᜓᜇᜓ ᜅ᜔ ᜐᜒᜊ ᜅ᜔ ᜋᜅᜅᜐᜓ
at pagkatapos susundan mo kung saan itinuturo ng sibat ng mangangaso
ᜀᜅ᜔ ᜆᜎᜅ᜔ ᜋ ᜆᜎᜓᜅ᜔ ᜑᜒᜎᜒᜇ ᜐ ᜄᜒᜈ
ang talang may tatlong hilera sa gitna
ᜀ ᜇᜓᜂ ᜋᜓ ᜋᜆᜆᜉᜓᜀ ᜀᜅ᜔ ᜈᜃᜆᜄᜓᜅ᜔ ᜆᜑᜈ ᜅ᜔ ᜋᜈᜅ᜔ ᜁᜐᜒᜈᜓᜉ᜶
at doon mo matatagpuan ang nakatagong tahanan ng mag-inang isinumpa.

Habang binabasa ko ang ikalawang kabanata ng libro ay parang nagbabago rin ang paligid ko. Lahat ng isinulat ni Solharaya dito ay totoong nangyari sakin. Ang bawat salita ay hinabi sa katotohanan at hindi hinuha lamang. Unti-unti na akong naniniwala na ako at siya ay iisa.

ᜀᜅ᜔ ᜄ ᜆᜎ ᜐ ᜎᜅᜒ᜵ ᜀᜅ᜔ ᜄ ᜉᜓᜈᜓ ᜀ ᜎᜒᜃ ᜈ ᜌᜋ᜵ ᜀᜅ᜔ ᜆᜎᜓ᜵ ᜊᜆᜒ ᜀ ᜄ ᜊᜆᜓ
Ang mga tala sa langit, ang mga puno at likas na yaman, ang talon, batis at mga bato
ᜀᜅ᜔ ᜄ ᜁᜊᜓ᜵ ᜋᜊᜅᜒ ᜈ ᜎᜒᜂ ᜐ ᜄᜓᜊ᜵ ᜀᜅ᜔ ᜈᜃᜃᜎᜐᜓ ᜈ ᜇᜓᜆ᜵ ᜀᜅ᜔ ᜄ ᜊᜓᜎᜎ
Ang mga ibon, mabangis na leon sa gubat, ang nakakalason na prutas, ang mga bulaklak
ᜀᜅ᜔ ᜀᜇ ᜀ ᜊᜓᜏ᜵ ᜀᜅ᜔ ᜉᜊᜓᜑᜓ ᜅ᜔ ᜂᜎ ᜀ ᜀᜅ᜔ ᜊᜓᜇᜓ᜶
Ang araw at buwan, ang pagbuhos ng ulan at ang bundok.
ᜑᜒᜇᜒ ᜁᜆᜓ ᜈᜒᜎᜒᜑ ᜅ᜔ ᜇᜒᜌᜓ ᜉᜇ ᜆᜒᜅ᜔ᜈ ᜎᜋᜅ᜔ ᜂ ᜀᜊᜓᜐᜓᜑᜒ ᜈᜅ᜔ ᜐᜒᜈᜓᜋ᜶
Hindi ito nilikha ng Diyos para tingnan lamang o abusuhin nang sinuman.
ᜁᜉᜉᜐᜎᜋ ᜋᜓ ᜀᜅ᜔ ᜎᜑ ᜅ᜔ ᜁᜌᜓᜅ᜔ ᜈᜃᜒᜃᜒᜆ᜵ ᜀ ᜑᜒᜇᜒ ᜈᜃᜒᜃᜒᜆ᜵ ᜈᜑᜑᜏᜃ ᜀ ᜑᜒᜇᜒ ᜈᜑᜑᜏᜃ
Ipagpasalamat mo ang lahat ng iyong nakikita, at hindi nakikita, nahahawakan at hindi nahahawakan
ᜁᜉᜉᜐᜎᜋ ᜋᜓ ᜁᜆᜓ ᜐ ᜃᜎᜏᜃ ᜀ ᜊᜒᜊᜒᜌ ᜃ ᜉ ᜅ᜔ ᜋᜇᜋᜒ
Ipagpasalamat mo ito sa kalawakan at bibigyan ka pa ng marami
ᜏᜎᜅ᜔ ᜑᜅ᜔ᜄ᜵ ᜏᜎᜅ᜔ ᜃᜆᜉᜓᜐ
walang hanggan, walang katapusan
ᜋᜋᜓᜋᜓᜑ ᜃ ᜅ᜔ ᜐᜄᜈ ᜐᜉᜃ
mamumuhay ka ng sagana sapagkat
ᜀᜅ᜔ ᜋᜇᜓᜈᜓᜅ᜔ ᜋᜊᜒᜃ ᜅ᜔ ᜐᜎᜋ
ang marunong magbigkas ng Salamat
ᜀ ᜊᜒᜊᜒᜌᜌᜀ ᜅ᜔ ᜂᜋᜀᜉ ᜈ ᜀᜈᜒ᜶
ay bibiyayaan ng umaapaw na ani.

ᜀᜇᜇ ᜃᜓᜓᜅ᜔ ᜈᜈᜁᜐᜒ ᜈ ᜎᜐᜉᜒ ᜀᜅ᜔ ᜁᜌᜓᜅ᜔ ᜎᜊᜒ᜶ ᜑᜒᜇᜒ ᜇᜑᜒ ᜐ ᜈᜁ ᜃᜓᜓᜅ᜔ ᜋᜃᜒᜆ ᜀᜅ᜔ ᜑᜒᜈᜑᜇ ᜐᜓᜊᜎᜒ ᜈᜁ ᜃᜒᜆᜅ᜔ ᜋᜇᜇᜋ᜶ ᜐ ᜁᜎᜎᜒ᜵ ᜐ ᜃᜁᜊᜓᜆᜒᜇ ᜅ᜔ ᜀᜃᜒᜅ᜔ ᜉᜃᜊᜊᜁ᜶ ᜁᜃ ᜀᜅ᜔ ᜈᜊᜒᜊᜒᜄ ᜅ᜔ ᜎᜃ ᜐ ᜇᜓᜄᜓ ᜈ ᜇᜓᜋᜇᜎᜓ ᜐ ᜀᜃᜒᜅ᜔ ᜃᜆᜏ᜶ ᜁᜃ ᜀᜅ᜔ ᜀᜃᜒᜅ᜔ ᜊᜓᜑ᜶ ᜀᜅ᜔ ᜉᜏᜒᜃ ᜑᜊᜅ᜔ ᜑᜒᜈᜑᜎᜓ ᜀᜅ᜔ ᜃᜌᜅ᜔ ᜉᜒᜅᜒ᜶
"Araw-araw kong nanaisin na lasapin ang iyong labi. Hindi dahil sa nais kong makita ang hinaharap subalit nais kitang maramdaman. Sa ilalim, sa kaibutiran ng aking pagkababae. Ikaw ang nagbibigay ng lakas sa dugo na dumadaloy sa aking katawan. Ikaw ang aking buhay." ang pagwika habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon