KABANATA 11

46 1 0
                                    

Bilog na naman ang buwan. Dinig ko ang pag alulong ng aso at ang ingay ng mga batang nasa kalsada.

"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu." Sabi ng taya na bata. Agad niyang hinanap ang mga kalaro niya na nagtago. Nasa tapat ako ng kalsada at nakatingin lang ako sa buwan na nakapatong sa tuktok ng bundok.

Nagulat ako nang biglang dumilim at kita ko ang malaking ibon na humarang sa buwan. Nakadipa siya at tila tinatabunan niya ang liwanag. Nagtatakbo ang mga bata pabalik ng kanilang mga bahay dahil sa nakita nila. Kinakabahan din ako subalit mas pinili kong tingnan ang malaking ibon na sumakop sa buwan. Parang nagkaroon saglit ng eclipse dahil ang dilim ng buong barangay namin. Tumahimik ang paligid at maya-maya'y lumiwanag na muli ang paligid. Wala na ang ibon.

Kumuha ako ng jacket sa aking kwarto at agad na nagtungo sa pagtatagpuan namin ni Martis. Sa ilalim ng punong talisay. Dumating ako doon ay wala pa siya at limang minuto lang ang lumipas ay dumating na siya.

"Hi." Ngumingiting sabi ko sa kanya.

"Ang ganda ng buwan." Sabi niya.

"Oo nga." Sagot ko.

"Bakit sa tuwing nagkikita tayo, sinasabi mo na maganda ang buwan?" Tanong ko sa kanya at napangiti naman siya. Tumabi siya sa aking pagkakaupo sa malaking ugat ng talisay. Naging active na naman ang brain cells ko dahil sa amoy niya.

"Dahil pag nakikita ko ang kagandahan ng buwan, nakikita ko din ang kagandahan mo." Sagot niya at napangiti ako.

"Bakit mo pinutol ang buhok mo?" Tanong niya.

"Ah. Wala gusto ko lang." sagot ko at natahimik siya.

"Bakit ganun 'yung pabango mo? Ang bango. I mean, ang mahalimuyak." Sabi ko sa kanya at napangiti ulit siya. May nilabas siyang maliit na bote sa kanyang bulsa. As in, kasing laki lang ng hinliliit. Binigay niya 'yun sakin.

"Kapag gusto mo akong makita, amuyin mo lang 'yan." Sabi niya sa akin at kinuha ko iyon. Binuksan at inamoy. Parang droga ang naamoy ko. Naadik na ako. Inilagay ko sa bulsa ng aking jacket ang pabango na binigay niya sakin.

Ang sarap sa pakiramdam na panoorin ang buwan habang may kasama. Akala ko sa movies o sa books ko lang mababasa ang mga moments na ganito. Akala ko sa pictures ko lang makikita ang dalawang tao na nakatingin sa buwan habang ang mga tao ay tulog na. Hindi ako nagsisising sumama ako kay mama na magpunta dito sa balagasan dahil kung hindi, hindi ko makikilala si Martis. At pakiramdam ko, siya na ang kauna-unahang lalaki na mamahalin ko.

Feeling ko natagpuan ko na ang lalaking mamahalin ko habang-buhay. Nakangiti lang ako habang nakatitig sa kanya. Sobrang gwapo niya. Ang awra niya sobrang gaan, ni hindi man lang ako nakatagpo ng ganitong lalaki noong nasa Manila pa ako.

Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat at nakatingin lang kami sa perpektong hugis ng buwan.

"Maari ko bang hawakan ang kamay mo?" tanong niya at nilahad ang palad niya sa akin. Kinuha ko naman iyon at hinawakan din ang ang kamay niya. Ito 'yung pakiramdam na matagal ko ng hinahanap. Ngayon lang ako nasatisfy sa ginawa ng isang lalaki sa akin, sa paghawak lang niya ng kamay ko, kontento at masaya na ang puso ko.

"Pwede bang araw-araw tayong magkita?" Tanong ko sa kanya at umalis ako sa pagkakasandal ng aking ulo sa kanyang balikat at tiningnan siya.

"Hindi pwede." Sagot niya at magkaharapan kami. Nakatingin ako sa mapupula niyang labi at parang gusto ko iyong halikan.

"Gusto kita." Sabi ko sa kanya at ngumiti siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Posible ba 'yun? Tatlong beses palang tayong nagkikita, gusto mo na agad ako." Sabi niya sakin at natawa ako.

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon