KABANATA 18

49 1 0
                                    

"Tao po." Dinig ko mula sa labas. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin sina Kevin at iba pang mga kabataan na taga dito sa Balagasan. Bale pito sila kasama si Alex.

"oh, Kevin. Bakit?" Tanong ko. May dala silang tuwalya.

"Gusto mong sumama?" Tanong niya.

"Saan?"

"Sa Kabugsakan Falls. Maliligo."

"Gusto ko 'yan!" Excited na sabi ko at agad na kumuha ng tuwalya. Nagpaalam na ako kay lolo at mama at mabuti nalang pinayagan nila ako.

"Taraaa." Yaya ko sa kanila at masaya kaming nagtungo sa falls na sinasabi nila. Ang layo. Jusko. Ang tatarik ng mga bundok na dinadaanan namin pero magaganda ang view. Makalipas ang dalawang oras ay nakarating din kami. Worth it ang pagod dahil ang ganda ng Kabugsakan falls. Agad silang naligo at humahawak pa sila sa bagin para tumalon. Ang saya nilang tingnan at enjoy na enjoy sila.

"Bakit hindi ka naliligo?" Tanong ni Alex.

"Hindi ako marunong lumangoy." Sabi ko at natawa siya.

"Tuturuan kita." Sabi niya at natawa din ako. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa malalim na parte ng falls.

"Ikampay-kampay mo lang ang paa mon a parang palaka." Sabi niya at natawa ako.

"Isabay mo sa pagkampay ang kamay mo. Ganun lang." Dagdag pa niya at sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Ayieeeeeeeeeh." Tukso ng mga kasamahan namin.

"Crush ka niyan, Irithel." Sabi ni Kevin at sinabuyan ni Alex ng tubig ito. Nagbasaan sila at hinabol nila ang isa't-isa.

"Matagal ka ng crush niyan, Irithel." Dagdag ng iba naming kasamahan. Natawa lang ako at hindi na sila pinansin. Mukhang naaasar na si Alex.

"Umamin kana kase Alex." Sabi ni Kevin at tumigil na sila sa paghahabulan.

"Wag nga kayo diyan." Suway ni Alex sa kanila at nagtawanan silang lahat. Sinubukan ko din ang pagtalon gamit ang bagin at 'yun na ang pinaka masayang nagawa ko sa araw na'to. Nakakatakot dahil malalim ang tubig na babagsakan ko subalit nandoon naman sila Alex para iangat akong muli.

Pagkatapos ay nag-ihaw kami ng isda na nahuli sa sapa. May katang o alimango din sila na nahuli. Masaya kaming kumain doon and I guess, this is what a person needs to feed their soul. An adventure with the best people in the world. I'm so happy and grateful to be with theses amazing people.

Ang mga kaibigan ko sa Manil, malls and club or party lang ang pinupuntahan namin. At never kong naranasan doon ang ganito kasayang adventure.

"Birthday ko ngayon. May handa ako sa bahay. Punta kayo ha." Sabi ni Alex at nagulat ako.

"Aww. Happy birthday." Bati ko sa kanya habang kumakain ng inihaw na isda. Ngumiti naman siya sa akin.

"Salamat. Punta ka ha. Magpaparty tayo." Sabi niya at napatingin ako sa kanya.

"Anong klaseng party 'yan?" Tanong ko.

"'Yung nag-iinuman tapos may disco light sa gitna, malakas ang tugtog at magsasayawan." Sabi niya at tumango-tango ako. Nagsisigurado lang ako na ganung pary nga ang pupuntahan ko kase nakakatrauma 'yung party na pinuntahan ko sa bahay ni Jennie.

"Full moon ngayon diba?" Tanong ko at tumango naman si Kevin. Sasaglit lang ako sa birthday ni Alex tapos makikipagkita na ako kay Martis. At susundin ko ang plano ko.

Pagkatapos ng epic adventure na iyon ay umuwi na kami. Nagpalit na ako ng damit at napagdesisyunan kong gumawa ng sulat kana mama.

To: Mama, Papa, Alucard at Lolo Peping

Sa oras na mabasa niyo ito, alam kong wala na ako. Hindi ko alam kung patay na ako o nasa ibang mundo lang ako. Totoo 'yung alamat na sinabi sa akin ni lolo at totoo na ako ang aalis ng sumpa doon sa lalaki na sinasabi sa alamat. Akala ko hindi totoo ang mga ganito, akala ko sa pelikula lang nangyayari ito, sa totoong buhay din pala. Sa pamamalagi ko dito sa probinsiya, natutunan ko na maikli lang ang buhay at ang buhay natin ay palaging may taning. Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin o mamamatay. Dito ko naranasan ang mga epic adventures na hindi ko naranasan noong ako ay nasa Manila pa. Una, sumama kami ng kaklase ko sa bahay ng kaibigan namin na si Alice at nadiskubre namin na ang pamilya niya pala ay asuwang at ang inihahain na pagkain sa tao ay laman ng tao. 'Yan ang dahilan kung bakit sinabi ko kay Alucard na magdala lagi siya ng calamansi. Pangalawa, noong nagpunta ako ng kweba kasama ang mga pinsan ko, doon nagsimulang mapanaginipan ko ang Prinsipe ng engkanto at ang pangalan niya ay Elfren. Sinasabi niya sakin na gusto niya akong maging prinsesa at inaalok niya ako ng kayamanan sa kanyang kaharian. Pangatlo, tuwing gabi at bilog ang buwan ay lumalabas ako para makipagkita kay Martis at nalaman ko na siya 'yung lalaki na nasa alamat. Hindi ko alam na mamahalin ko siya, mama. Gustuhin ko mang lumayo sa kanya kaso pilit ako hinihila pabalik sa kanya ng buwan. Pang-apat, kaya nagsuka ng dugo si Alucard at naospital siya ay gawa iyon ni Elfren. Sabi niya sakin, kapag hindi ako sumama sa kanya, kukunin niya ang mga buhay niyo. Hindi ko 'yun kaya, mama kaya mas mabuting ako nalang ang mawala. Panglima, nung nakaraang gabi, hindi party ang pinuntahan ko kundi samahan ng mga kulto. 'Yun ang gabi na sobra akong napagod dahil sa kakatakbo at akala ko 'yun na ang katapusan ng buhay ko. May isang tao silang pinatay sa harap ko at akala ko, ako na ang isusunod nila. Nahulog ako sa patibong ni Alice at Jennie, mabuti nalang iniligtas ako ni Elfren. At ang huli, full moon ngayong gabi at makikipagkita ako kay Martis. Mahal ko siya at handa akong ipainom ang dugo ko para sa kanya. Walang kasiguraduhan na magagawa ko iyon dahil kay Prinsipe Elfren, sabi niya hindi siya papayag na gawin kong ordinaryong tao si Martis dahil mamamatay ang kanyang ama. Nalilito na ako sa dapat kong maging desisyon pero nakapagpasya na ako. Wala akong kasiguraduhan sa gagawin ko pero gusto ko lang sabihin sa inyo mama na mahal na mahal ko kayo. Alucard, alagaan mong mabuti ang mama at papa, pati na si lolo. Lagi kayong mag-iingat. Isipin niyo nalang na nasa langit na ako at masaya na ako doon. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako pero sana.

Nagmamahal,

Irithel

Tinupi ko na ang papel at nilagay sa table. At dumating na nga ang gabi. Hindi ako kinakabahan. Chill lang ang puso ko dahil alam ko kung ano ang gagawin ko. Nasa hapag-kainan pa ako kasama sina mama. Ito na ang huling araw na makakasama ko silang kumain o huling araw na makikita ko sila. Gusto kong icherish ang mga segundong ito. Nakatitig lang ako samga ngiti nila habang hindi nila alam kung ano ang nangyayari sakin.

"Mahal na mahal ko kayo." Basag ko sa masaya nilang pagkukwentuhan at napatingin sila sa akin.

"Gusto ko lang sabihin." Natatawang sabi ko dahil 'yung mga itsura nila parang hindi sila makapaniwala na sinabi ko 'yun.

"For the first time, ate." Sabi ni Alucard. Lumapit ako sa kanila at inisa-isa silang niyakap. Nakatingin lang sila sakin habang nakangiti naman ako.

"Pupunta na ako sa birthday ni Alex." Sabi ko at uminom ng tubig. Kinuha ko na ang aking jacket sa kwarto.

"Mag-iingat kayo palagi." Dagdag ko pa

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ni mama at hindi ako sumagot. Walang kasiguraduhan kung makakauwi pa ako.

/////////////////////

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon