KABANATA 22

49 1 0
                                    

"Sabi nila hindi totoo ang langit. Sabi nila kapag namatay ang isang tao, isisilang siyang muli sa sinapupunan ng isang ina at kaya umiiyak ang sanggol paglabas dahil naaalala niya ang mapait niyang nakaraan noong siya ay nabubuhay pa. Pero paano ang katawan natin na naiwan natin sa mundo? Mabubulok, kakainin ng uod at buto nalang ang matitira. Sabi nila paulit-ulit lang ang buhay ng tao, mamamatay at muling mabubuhay. Masasaktan, hihilom. Iiyak, tatawa. Pero ako, ako na yata ang binigyan ng makabuluhang tadhana. Siguro, noong isinilang ako, sobra ang pag-iyak ko dahil sa masakit ang nangyayari sa akin ngayon pero sana kung isisilang akong muli ganito pa rin, maranasan ko pa rin ang magmahal sa isang tao hanggang sa may matutunan ako."

Nakahiga ako ngayon sa damo na napapaligiran ng Cornflower blue boy at iba't-ibang klase pa ng bulaklak. Itinabon ko ang aking kamay sa aking mga mata dahil sa silaw ng araw. Malamig ang paligid at nakikita ko ang paglipad ng mga ibon. Napaupo ako at tiningnan ang paligid. Naririnig ko ang paglagaslas ng tubig sa batis at huni ng mga ibon. Nandito ako sa paraiso, ang kaharian ni Elfren. Hinawakan ko ang braso ko at mukha ko. Kung nandito ako ngayon sa kaharian ni Elfre, ibig sabihin buhay ako. Pero anong nangyari kay Martis?

Tumayo na ako at naglakad-lakad hanggang sa may marinig akong nag-iiyakan. Nakita ko ang kumpulan ng mga tao, kasing laki ko lang sila. Matutulis ang kanilang mga tainga at mapuputi silang lahat. May matulis na suot silang sumbrero at iba't-iba ang kulay nito, may pula, asul, kayumanggi, berde at itim. Nang makarating ako doon ay napatingin sila sa akin. Nakita ko ang matandang lalaki na nakahiga sa puting mga rosas. Nakita ko si Elfren at ang babae na nakaupo sa gilid ng ama niya na nakahiga habang hawak ang kamay nito. Namatay siya? Ibig sabihin, ordinaryo ng tao si Martis? Gusto kong magtatalon sa saya subalit nakatingin silang masama sila sa akin. Nababasa nga pala nila ang iniisip ko. 'Pasensya po' sabi ko nalang sa isip ko at umalis na doon. Ngayon, alam ko na kung paano magkaroon ng luha ang mga engkanto, kapag may namamatay o may pumanaw. Parang tao din pala sila. Pero umiiyak ang tao hindi lang kapag may namamatay, kapag nasasaktan o kapag galit o kapag may nagawang kasalanan, umiiyak din.

Nakangiti lang ako subalit nakaramdam din ng lungkot dahil hindi ko naman na siya makikita. Ordinaryong tao na nga siya, nakulong naman ako sa kaharian ni Elfren. Naupo ako sa ilalim ng puno ng manga at nangalumbaba doon. Nakita kong papalapit sa akin si Elfren.

"Anong ginawa mo sakin?" Tanong ko sa kanya. Naupo siya sa tabi ko.

"Masaya kana? Nagawa mo na siyang ordinaryong tao at namatay ang ama ko?" wika niya at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Bakit nandito ako? Diba dapat patay na ako?" Sabi ko sa kanya.

"Niligtas kita sa kamatayan mo." Sagot niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa kaharian niyang ang pintuan ay napapaligiran ng gumagapang na dahoon.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko.

"Ito na ang araw na magiging prinsesa na kita." Ngumingiting sabi niya at napabuntong-hininga ako. Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya.

"Ayoko." Sabi ko at napakunot ang noo niya. Tatakbo na sana ako papalayo sa kanya nang maharangan niya agad ako.

"Hindi kana makakabalik sa mundo niyo, Irithel. Akin kana." Sabi niya. Lumapit ako sa kanya. Sobrang lapit ng mukha ko sa kanya na halos mahalikan ko na siya. May nakikita akong bakas ng tubig sa kanyang pisngi. Nakatitig lang siya sakin. Hinawakan ko ang kanyang mukha at dinilaan ang pisngi niya. Pagkatapos ay pinagtawanan niya ako. Napahawak ako sa aking noo dahil sa kahihiyan. Aish. Akala ko gagana ang pag-dila ko sa luha niya. Hindi pala. Akala ko makakabalik na ako.

"Kapag bumalik ka sa mundo niyo, babalik sa pagiging halimaw si Martis. Bakit? Hangga't hindi ka namamatay, hangga't hindi inililibing ang katawan mo sa lupa, halimaw at halimaw pa rin siya. Wala ka ng ibang pagpipilian, Irithel." Sabi niya at naging blue ang pula niyang mata kanina.

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon