KABANATA 1

69 2 0
                                    

Irithel Point of View

Bago pa man tayo magkatawang tao sa mundo, alam na natin ang mangyayari sa buhay natin, kung paano tayo nagsimula at kung paano tayo magtatapos. Sa simula palang ng istorya ng buhay natin ay nandoon na tayo sa langit kasama ang Diyos, pinapanood ang ginagawa sa lupa. Kumbaga, nakasulat na ito sa libro at binabasa nalang natin. Bago pa tayo magkatawang tao, isa tayong Anghel sa langit. Kasama natin ang Diyos na kumakanta at namamasyal sa mapayapang lugar na iyon. Doon walang problema at kasiyahan lang ang nararamdaman. Pero bakit tayo nandito? Bakit tayo tinapon sa lupa? Isa lang ang sagot diyan. Dahil tayo ay makasalanan.

Ang mundong tinatapakan natin ay kulungan ng mga makakasalanan. Kaya tayo nagdudusa, kaya tayo nahihirapan dahil pinagbabayaran natin ang mga kasalanan natin. Ang araw-araw na pagsisimba ay sapat na ba para maligtas tayo? Hindi. Ang pagiging mabuti, matalino, mabait ay sapat na para mapunta ang kaluluwa natin sa langit? Hindi.

Ang katawan natin ay parang isang damit, kapag araw-araw mo siyang gagamitin at hindi ka nagpapalit, ito'y maluluma, masisira at magiging mabaho. Ganyan tayo kapag namatay, kagaya ng isang damit kakainin ng mga uod, magiging mabaho at mawawalan ng silbi ang ating katawan at tanging kaluluwa natin ang aakyat. Kapag namatay ka, sigurado ka bang sa langit ka mapupunta?

Nagulat ako sa biglang pagkulog ng malakas, ang lakas ng tibok ng puso ko. Iminulat ko ang aking mga mata at napabalikwas ako ng bangon, para bang binuhusan ng tubig ang katawan ko para magising. Nagtataka ako kung bakit nasa harapan ko si mama samantalang nasa dagat kami kanina, nalulunod. At bakit nasa kwarto ako? Agad kong niyakap si mama.

"Ma, sorry. Iniwan kita. Sorry. Salamat sa Diyos at buhay ka." Wika ko at kumalas ng pagkakayakap sa akin si mama.

"Ano bang sinasabi mo, Irithel? Siyam na araw kana naming hinihintay magising." Sagot ni mama na lalo kong ikinataka.

"A-ano? Diba umalis tayo? Nakasakay tayo sa barko, nasira ang makina at lumubog ito." Sabi ko at napakunot ang noo ni mama.

"Anak, hindi ko alam ang sinasabi mo. Siyam na araw na kitang iniintindi diyan sa kama mo."

"Huh? Niligtas ako ni Martis. Binalik na niya ang ala-ala ko." Nakangiting sabi ko sa kanya subalit tila ba walang alam si mama.

"Irithel, nine days ka nang nandiyan sa kama mo." Sabi ni mama at hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Paano ako nakarating dito?" Tanong ko.

"Nakita ka namin sa kalsada, nakahiga." Napabuntong-hininga ako at napahawak sa aking buhok. Mababaliw na yata ako. Kanina lang nalulunod ako, kanina lang niligtas ako ni Martis. Paanong napunta ako dito? Kumuha si mama ng tubig at pinainom ako.

"Nananaginip ka lang, anak." Sabi ni mama. Panaginip. Panaginip lang ang lahat?

"Nangyari ang sinasabi mo at nangyari ang hindi niya alam." Sabi ni lolo at napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

"Katotohanan ang nasa isip mo kesa sa nakikita ng mga mata." Dagdag pa ni lolo atsaka lumabas ng kwarto ko.

"Ipaghahanda na kita ng makakain dahil siyam na araw ka ng tulog diyan sa kama mo." Sabi ni mama. Wait lang. Teka? Nagpaprocess pa sa utak ko ang mga nangyari.

'nangyari ang sinasabi mo at nangyari ang hindi niya alam'

"Alucard, kilala mo ba si Martis?" tanong ko at umiling-iling siya.

"Sino 'yun?"

"May naaalala ka bang may ginawa akong sulat para sa inyo?" Tanong ko at umiling-iling siya. Hindi kaya, binura ni Marti sang ala-ala niya sa pamilya ko?

"Si Karina, kilala mo?" Tanong ko.

"Mabubura ang ala-ala niyo sa pagbabalik ng ala-ala ng isang babae. Darating ang bukas na hindi mo siya kilala subalit ako, mananatili dito dahil ang puso, hindi nakakalimot sa taong mahal niya sinumaang magtangkang burahin ito." Tuloy-tuloy na sabi ng kapatid ko na tila ba may nagdidikta sa kanya. Tumayo ako at kumuha ng jacket at napagdesisyunang magtungo kay Martis. Gusto ko na siyang makita. Namimiss ko na siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni mama.

"Babalik din agad ako, ma." Sabi ko at yumakap sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Hindi ako makapaniwalang buhay si mama. Totoong buhay siya, nahahawakan at nayayakap ko siya.

"Mahal na mahal kita, ma." Sabi ko atsaka umalis na. Pagdaan ko sa terrace ay andoon si lolo.

"Lolo, tanghali na nagkakape ka pa." Sabi ko subalit hindi niya ako pinansin. Nakatingin siya sa paligid na unti-unting dumidilim. Huh? Maaraw kanina ah? Uulan ba? Lumabas na ako at pagtapak ko sa lupa ay kita ko ang buwan na papalapit sa araw. Eclipse? Ngayon lang ako nakasaksi ng eclipse. Ang daming tao na nasa labas at pinagmamasdan ang paglalaho ng araw at buwan samantalang ako naman ay tinungo ang daan papunta kana Martis.

Nasa gitna na ako ng puno ng accasia na napapalibutan ng matataas na puno ng mahogane. Malutong na tunog ng nalaglag na dahon ng mahogane lang ang naririnig ko dahil sa pagtapak ko dito. Tila nagtago ang mga ibon sa kanilang mga pugad dahil hindi sila kumakanta. Hindi mo malalaman na ang daan na ito ay patungo sa bahay nila martis sapagkat wala itong bakat ng mga dumadaan. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang lalaking lumabas sa gilid ng accasia na animo'y may lagusan dito papunta sa ibang dimension ng mundo, nakasuot pa din siya ng puti at natatandaan ko na ang huli naming pagkikita ay sa panaginip. Miss na miss ko na siya. Tila ba walang nagbago sa kanya, siya pa din ang Martis na una kong nakilala. Unti-unti ko ng tinahak ang daan papalapit sa kanya at sinalubong niya ako. Kaunti nalang ang liwanag at sasakupin na ng kadiliman ang araw. Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik.

"Miss na miss na kita, mahal. Akala ko hindi na kita makikitang muli." Sabi ko at pinaharap niya ako sa kanya.

"Andito na ako. Hm? Wag ka ng malungkot." Sagot niya at tumango lang ako. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata ko.

"Bakit mo binura ang ala-ala mo sa pamilya ko?" Tanong ko at ngumiti siya.

"Gusto ko ikaw lang ang nakakakilala sakin. Ikaw lang ang nakakaalam sa pagkatao ko."

"Bakit mo binura ang ala-ala ko?"

"Dahil ayaw na kitang masaktan pa." Sagot niya at hinawakan ang pisngi ko.

"Gusto lang kitang masaktan sa paraan na'to." Dagdag niya at isinandal niya ako sa puno ng accasia. Sa paghangin ay inulin kami ng mga malarosas na bulaklak ng puno. Hinalikan niya ako ng madiin hanggang sa mapunta sa leeg at inalis niya ang aking kasuotan. Hinalikan niya ang buo kong katawan na para bang uhaw na uhaw na bata na matagal na hindi nakadede sa kanyang nanay. Binuhat niya ako at ibinuka ang nasa pagitan ng hita ko. Nang maipasok niya ang kanyang pag-aari ay siyang tuluyang pagyakap ng buwan sa araw. Madilim at ang naririnig ko lang ay ang pag-ungol niya sa tuwing naglalabas pasok ang ari niya sa madulas at masikip kong heyas. Bumabaon ang kuko ko sa likod niya sa tuwing lumalalim ang pagpasok niya. Nakapikit at nakaawang ng konti ang labi ko dahil sa mala langit na pakiramdam.

At nang imulat ko ang mata ko ay nagbago ang paligid namin. Dinala niya ako sa paraiso ng kanyang isip habang nasisinagan kami ng pinagsamang liwanag ng buwan at araw. After all this time na nagtatalik kami, palagi niya pala akong dinadala sa paraiso. Maraming bulaklak na kulay puti at marami ding puting paru-paro ang pumapaligid samin. Walang batis subalit mas maganda ang paraiso ni Martis kesa sa paraiso ni Elfren.

Nang matapos kami ay parehas kaming nahiga sa mga bulaklak. Nakahiga ako sa braso niya at hinalikan niya ako sa noo.

"Hindi na tayo magkakahiwalay pa, mahal." Sabi niya at nakatingin lang ako sa mga mata niya.

"Magpakasal na tayo." Wika niya at nabigla ako. Sa pag-upo ko ay siya ring pagbabago ng paligid namin. Bumalik na kami sa gubat at ang kaninang paru-parong nakikita ko ay napalitan ng ingay ng mga ibon na lumabas na sa kanilang pugad dahil unti-unti nang humihiwalay ang buwan sa araw.

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon