KABANATA 11

36 1 0
                                    

Tatawag ako sa pangalan mo,

Isisigaw ko at tanging ikaw lang ang nakakarinig,

Sa kawalan ng pag-asa ­

darating ka.

Sa bingit ng kamatayan,

makikita ko ang himala,

at katapangan na dulot

ng iyong pagmamahal sa akin.

May naririnig akong mga nagkakantahan. Ang weird, hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Mga taga ibang planeta yata ang mga ito. Nandidilim pa ang paningin ko, kung mas mabaho kanina, mas mabaho ngayon. Biglang pumasok sa isip ko si Martis.

"Martis." Tawag ko sa kanya sa aking isip. Sobra akong nahihilo at parang mawawalan na naman ako ng malay. Dumagdag pa ang kanta na pang demonyo. Alam niyo 'yung kantang Gloomy Sunday? Nabasa ko sa facebook na kapag pinakinggan mo daw ang kanta na 'yun ay kusa mong papatayin ang sarili mo. Parang naaapektuhan ang isip mo tapos magsusuicide ka. Kahit na masaya ka, kapag pinakinggan mo ang kanta o tunog na 'yun, magpapakamatay ka. Hindi ko pa napapakinggan ang kanta na 'yun at hindi ko na babalaking pakinggan pa. Pero 'yung kantang naririnig ko ngayon, parang ganun 'yung epekto.

"Martis." Tawag kong muli. Ang huli kong nakasama si Martis ay 'yung nag-away kami dahil sa pagkamatay ni Kevin. Pagkatapos nun, hindi na siya nagpakita sakin. Dinig ko ang ipit na sigaw ng batang lalaking katabi ko. Naaawa ako sa kanya, nakakaawa ang pamilya niya. Sobrang sama ng matandang 'to. May awa ang Diyos. Paparusahan niya ang mga taong ito. Kinain na sila ng kasamaan.

"Bilang ika-isang daang taon ko na dito sa mundo ang dugong ito ay para sa iyo aming Diyos. Patuloy kaming mag-aalay sa iyo at sasambahin ka hangga't ako'y nabubuhay. Marami pang buhay ang magbubuwis para sa iyo at nawa'y iyong ikagalak ang iaahin ko sa iyo ngayon. Ipagdiwang natin ang kabutihan!" sabi ng matanda. Hindi ko alam ang itatawag sa kanya. Basta napakasama niya. Dinig ko ang parang intsik na sinasabi niya samantalang nagsimula na namang kumanta ang mga tao. Marami sila feeling ko dahil sa ugong na nagbabounce back ng mga tinig nila. Tumahimik sila saglit at maya-maya'y nagsalita na naman siya.

"Hindi dito nagtatapos ang kasiyahan sapagkat may isa pa akong surpresa." Wika ng matandang demonyo.

"Mas masarap ang dugo niya kesa sa ordinaryong tao." Dagdag pa niya at alam kong ako ang tinutukoy niya. Inalis na niya ang polybag na nasa ulo ko at kita ko ang mga taong nakabelo habang nakaluhod. Ganitong-ganito ang nangyari sakin dati. Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko.

"Martis. Tulungan mo ako." Tawag ko sa kanya at kinuha na ng matandang demonyo ang kutsilyo. Patay na ang batang lalaki dahil gilit na ang kanyang leeg. Nakatawa sa akin ang matanda at kita ko ang dugo na natira sa ngipin at labi niya. Pagtingin ko sa mga taong nakabelo, kita ko si kamatayan na nasa likod nila katulad ng nakita ko sa likod ni Kevin dati. Pero doon sa isa, walang kamatayan sa likod niya. Nakatingin lang ako sa kanya at pag-alis niya ng belo, si Alucard ang tumambad sa akin. Iyak lang ako ng iyak at dahan-dahan na niyang nilapit ang kutsilyo sa leeg ko. Nakasahod na ang baso at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Martis."

Napatingin ako sa biglang pagwasak ng salamin, isang halimaw ang dumating at nabitawan ng matandang demonyo ang kutsilyo na hawak niya nang umungol siya ng malakas na ikinayanig ng buong bahay. Nagkagulo ang mga tao at isa-isa niyang pinaghihiklas ang mga tao, pinagpupunit niya ang mga ito na tila isang damit. Kinakain niya ang kanilang leeg atsaka pinaghihiwalay ang katawan. Ganoon siya kabangis noong mga oras na iyon at ang aking tuhod ay nanginginig sa takot. ANg pula ng kanyang mga mata dahil sa galit. Hindi ko namalayan na kinalag na pala ni Alucard at Karina ang tali sa aking paa at kamay. Nakatingin lang ako kay Martis habang pinapatay niya ang mga tao.

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon