Magkasabay kaming pumasok at magkasama kami sa loob ng tricycle. Kinuha niya ang cellphone niya. Tinakid ang earphone at ibinigay sa akin ang isa. Napangiti nalang ako kase para sakin ang romantic ng ganito.
Mahika by TJ Monterde
Huling hirit
Di ko alam kung bakit
At paano mo napapawi ang kalungkutan ko
Abot langit
Ligayang dulot mo
Ngiti ang tanging dala sa mga labing ito
Di ka pa man lang kumikibo
Ayos na
May mahika ka pang dala-dala
Sa piling mo ohhooo
Bumabagal, humihinto ang mundo
Sa piling mo ohhooo
Ayaw kong mawala, ayokong mawala...
Nakarating na kami sa school at hinatid niya ako sa room ko.
"Irithel?!" Napatingin ako kay Monica at nagtatakbo siya sakin at niyakap ako. Hinawakan niya ang buo kong katawan.
"Totoo ka ba?" Tanong niya at natawa ako.
"Mukha ba akong multo?" Tanong ko.
"Hindi naninigurado lang ako ikaw talaga 'yan. Halos isang buwan ka ng hindi pumapasok." Sabi ni Monica at napakunot ang nook o.
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
"Ewan ko nga sa'yo. Ang huling pag-uusap natin ay noong nasa canteen pa tayo, para kang nagpapaalam sa akin. And wait, who's that guy?" Tanong niya.
"'Yung naghatid sa'yo? Bago mo agad? Paano si Martis?"
"Martis?"
"Yep."
"Sino 'yun?" tanong ko at nabigla siya sa sinabi ko.
"Girl, okay ka lang? Nasagasaan ka ba ng ten wheeler truck at hindi mo na agad kilala si Martis?" Sabi niya
"Sino nga siya?"
"Ano pa, edi siya ang mahal mo! Siya ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon, nakatayo sa harap ko at pumapasok." Sabi ni monica at natawa lang ako.
"Wala akong mahal, Monica. Si Alex at Kevin na taga sa amin palang ang kilala kong lalaki." Sabi ko at hindi siya makapaniwala sakin. Hinawakan niya ang noo ko.
"Anong nagyari sa'yo at bigla mo siyang nakalimutan? Samantalang obsess na obsess ka sa amoy nung gwapong lalaki na 'yun."
"Ano? Hindi kita magets." Sabi ko.
"Wala. Ikaw ang hindi ko magets. Bigla-bigla mo nalang siyang nakalimutan." Sabi ni Monica at naupo na kami dahil dumating na ang professor namin. Sino ba talaga ang Martis na 'yan? Siya kaya 'yung lalaki na nakikita ko sa buwan?
"Irithel, bakit ngayon ka lang pumasok?" Tanong ng professor namin. Napatayo ako at hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kase ma'am, 9 days akong tulog." Sabi ko at pinagtawanan ako ng mga kaklase ko.
"Seryoso ka ba, Irithel? Ano ka si sleeping beauty?" Tanong ng isa kong kaklase at piangtawanan nila ako.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Irithel. Bakit ngayon ka lang pumasok?" tanong muli ng professor namin
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasiHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.