Sa pakiramdam ko ngayon ay para ako sinesentensyahan ng kamatayan. Parang may taning na ang buhay ko dahil wala akong ibang nasa isip ngayon kundi paano ako magpapaalam sa kanila. Ang hirap sabihin na 'sasama na ako sa prinsipe ng engkanto at doon ako mamumuhay ng payapa'. Hindi ko alam kung may happily ever after din sa mundo nila pero sana wala kase ang gusto kong makatuluyan sa pagtanda ko ay si Martis. 'yun nga lang, ang complicated kung tuwing bilog ng buwan lang kami magkikita. Paano kami magkakapamilya kung isang beses sa isang buwan lang kami magkikita?
Napapaisip ako minsan kung bakit gusto niyang tuwing bilog ng buwan kami magkita. Naniniwala naman ako sa sinabi niya na naniniwala siya sa alamat na pag kasama mo ang taong mahal mo na panoorin ang bilog na buwan ay siya na ang makakasama mo habang-buhay. Naniniwala ako sa dahilan niyang 'yun pero pakiramdam ko, hindi sapat na dahilan 'yun eh. May iba pang dahilan eh at hindi ko alam kung ano 'yun.
Kasama ko ngayon si Monica na kumakain sa canteen. Paano na ang pag-aaral ko? Walang school sa kaharian ng mga engkanto. Gusto ko pang grumaduate. Ako pa naman ang panganay sa anak ni mama tapos mawawala nalang ako bigla.
"Monica, paano kung isang araw bigla nalang akong mawala. Anong gagawin mo?" Tanong ko at sumubo ng kanin.
"Hahanapin ka." Sagot niya.
"Paano kung hindi niyo na ako mahanap?" Tanong ko sa kanya.
"Iturn on mo lang 'yang GPS ng cellphone mo. Kahit saang lumalop ka pa ng mundo, makikita at makikita ka namin."
"Paano kung walang signal?" Tanong ko at napakunot ang noo niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Wala." Sagot ko nalang at nakatingin siya sakin ng nagtatanong.
"Saan nga? Lilipat kana ulit ng bahay?" Tanong niya.
"Parang ganun na nga pero hindi sa ibang bahay o ibang lugar."
"Saan?"
"Sa ilalim ng lupa." Sagot ko at naibuga ni Monica ang kinakain niya sa akin. Natawa siya sa sinabi ko.
"Nilalagnat ka ba?" Tanong niya skain at hinipo ang noo ko.
"Underground house ba ang ibig mong sabihin?" Tanong niya at umiling-iling ako.
"Basta. Kapag nawala ako. Wag niyo na akong hanapin. Isipin niyo nalang na nasa masaya na akong kalagayan. Nasa masaya akong kaharian." Sabi ko at hindi ko siya maitsurahan.
"Pinagloloko mo ba ako, Irithel?" Tanong niya at umiling-iling ako.
"I realize na life is too short. Kailangan ispend natin ang oras sa mga taong mahal natin. Kailangan I live to the fullest natin ang nag-iisang buhay na meron tayo." Sabi ko at tumango naman siya.
"If I disappear one day, know that I'm in heaven." Dagdag ko pa at tumango-tango lang siya.
"Seryoso ako, Monica. Sabihin mo sa mga taong mahal ko na mahal ko sila ha?" Pakiusap ko sa kanya at tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkalabas namin ng canteen ay saktong makakasalubong namin si Alice.
"Here comes the witch." Sabi ni Monica
"Sshh. Baka marinig ka niya." Sabi ko.
"Mauna kana sa room. Kakausapin ko muna siya." Dagdag ko pa at nag-okay lang siya.
"Alice."
"Yes, Irithel?"
"Kailan ang sunod na party?"
"Ow. Bukas. Sasama kana?" Tanong niya at tumango ako.
"Alright. Hihintayin ka namin sa bahay ni Jennie." Sabi niya at pumasok na siya sa canteen. Hindi ko alam kung anong klaseng party ang ginagawa nila pero gusto kong itry bago pa ako kunin ng prinsipe ng engkanto.
I wonder kung kaluluwa ko lang ba ang kukunin niya o isasama niya pati ang katawan ko?
Pag-uwi ko sa bahay, naabutan ko si Alucard na gumagawa ng assignment.
"Sipag naman ni kapatid." Bati ko sa kanya.
"Syempre, ako pa."
"Ipagpatuloy mo 'yan. Ikaw nalang ang magpapatuloy ng pangarap ko para sa pamilya natin. Ang magkaroon ng sariling bahay at ipasyal ang mga magulang natin sa Disneyland." Sabi ko at napatingin sa akin si Alucard.
"Diba sabi mo gusto mong maging engineer?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Galingan mo lagi sa pag-aaral para maging proud sa'yo sina mama at papa." Dagdag ko pa at nakatingin lang siya sakin.
"Ate, kailan ka pa naging madrama? Noong nasa Manila tayo, kapag gumagawa ako ng assignment sinasabi mo sakin na wag ka ng maggawa niyan. Babagsak ka rin naman at walang patutunguhan ang buhay mo. Anong nangyari ate? Bigla kang nagdrama?" Sabi ni Alucard at natawa naman ako.
"Time is constantly changing. At sa paglipas ng oras ay kasama na dun ang pagbabago ng isang tao. Nagbago na ako. Hindi na ako hard na ate." Sabi ko sa kanya at lumapit sa kanya at ginulo-gulo ang buhok niya.
"Mamimiss ko ang kakulitan mo." Sabi ko.
"Ha?"
"Wala." Sagot ko nalang at nagtataka pa rin siya sa sinasabi ko.
Alas singko na ng hapon at si lolo ay hindi pa tapos magdilig ng pananim niya kaya tinulungan ko siya.
"Lo, ano 'yung pinaka-pinagsisisihan mo ngayon na hindi mo nagawa noong binata ka pa?" Tanong ko kay lolo at napatingin siya saglit at napaisip.
"Siguro, 'yung hindi ko pagsunod sa gusto ko. Dati gusto kong maging sundalo, gusto kong ipagtanggol ang bayan natin laban sa mga hapon. Ngayong matanda na ako, marami naman akong naabot sa buhay ko maliban sa pangarap ko na 'yun. Masaya ako para sa'yo dahil nagagawa mo ang gusto mo sa buhay, malaya ka. Irithel hangga't maari, ubusin mo ang oras mo sa paglalakbay. Wag kang mapagod gumawa ng ala-ala kasama ang iyong mga kaibigan. Wag kang mapagod na hanapin ang purpose mo dito sa mundo. Wag kang mabuhay sa kung ano ang dapat katayuan mo sa komunidad na ito o sa kung ano ang iniisip ng tao para sa'yo. Mabuhay ka ng naaayon sa kasiyahan mo." Sabi ni lolo.
"Marami akong naipon na pera. Pero hindi ko naman madadala 'yun pagkamatay ko kaya wag kang mag-alala tungkol sa pera. Ang mahalaga ay 'yung ala-ala na ginagawa mo dahil 'yun ang dadalhin mo sa'yong pagtanda." Dagdag pa ni lolo at napatango nalang ako.
"Malakas ka pa, apo. Marami ka pang maaabot." Dagdag ni lolo at napangiti nalang ako. Ilang weeks nalang ang itatahan ko sa mundong ito kaya susundin ko ang sinabi ni lolo. Gumawa ako ng maraming ala-ala. Niyakap ko si lolo mula sa likod niya.
"Maswerte ako dahil may lolo pa ako na katulad mo. Sana Lord bigyan mo pa ng mahabang buhay ang lolo ko." Sabi ko at natawa lang siya.
"Naglalambing na naman ang paborito kong apo." Sabi ni lolo.
Pagkatapos niyang magdilig ay pumasok na kami sa bahay samantalang si mama naman ay nagluluto ng hapunan namin.
"Ma, hindi ko pa ito natatanong sa'yo pero paano pala kayo nagkakilala ni papa? I mean, paano nagsimula ang love story niyo?" Tanong ko kay mama at napangiti siya at tila ba bigla siyng bumalik sa nakaraan.
"Sa totoo lang, hindi ako dapat ang liligawan ni papa mo. Si Mayline dapat kaso iba ang gusto ni Mayline. Ako ang taga bigay ng sulat ni papa mo kay Mayline kaso nga ayaw sa kanya edi 'yun, ako nalang ang niligawan ni papa mo. Noong una, uso ang magtanan nun. 'Yung yayayain ang babae na walang pagpapaalam sa kanyang magulang. Ganun ang ginawa ng papa mo sakin. Ang galit nga ng lolo mo sa papa mo dati eh. Nag-aaral pa ako nun tapos tinanan niya ako. Hinabol niya ng itak ang papa mo." Natatawang sabi ni mama.
"Pero nung pinanganak ko na ikaw, natanggap na din ng lolo ang lahat. Pagkapanganak ko sa'yo, bumalik ako sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos ako. Nagpunta tayo sa Manila ay 10 years old kana at doon tayo nanirahan kasama ang papa mo. Doo kona rin ipinanganak si Alucard." Dagdag pa ni mama.
"Minsan ba hindi mo pinagsisihang minahal si papa?" Tanong ko.
"Minsan pinagsisisihan ko kase ang babaero ng papa mo pero okay lang, atleast hindi niya tayo pinababayaan." Sagot ni mama. Oo. Babaero ang papa ko. Naaalala ko dati may dumating na sulat sa bahay, habang binabasa ni mama ay umiiyak siya, 'yun pala may anak sa iba si papa, 'yung kabit ang nagpadala nung sulat. Hindi pa namin nakikilala 'yung anak niya sa labas dahil ayaw ni papa na ipakilala sa amin. Siguro, immune na si mama na masaktan kaya hinahayaan na lang niya si papa.
/////////////////////
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasyHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.