KABANATA 18

38 0 0
                                    

(ANG MGA NILALAMAN NG LIBRO)

Tiningnan ko si mama subalit hindi siya tumitingin sakin. Galit yata siya.  Si karina ay nasa kwarto lang ni Alucard at binabantayan ito. Kinuha ko na ang kanin at nagsandok, kumuha ng ulam at sumubo na.

"Totoo ba yung sinabi ni manang Ema?" napatingin ako kay mama.

"Ma, pati ba naman ikaw naniniwala sa baliw na yun?" sabi ko at napakunot ang noo ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo o hindi. Paano malalaman kung ito na yung tamang oras para magsabi ng totoo?

"Gusto ko sayo mismo manggaling ang sagot. Totoo ba?" seryosong tanong ni mama.

"Sasagutin ko sa harap ni lolo mismo? Ma?" wika ko at napatingin kay lolo na patuloy lang sa pagkain.

"Irithel, pinalaki kita ng maayos. Wala ka sa Maynila, sinasabi ko sayo. Hindi ka kaladkaring babae. Paano kung mabuntis ka ha? Papanagutan ka ba naman ng lalaki na yun? May trabaho man lang ba yun? Nag-aral man lang ba yun? Anong ipangbubuhay niya sayo kung mabuntis ka ha?" alam kong galit na si mama.

"Hindi na importante kung nag-aral ba siya o hindi, kung may trabaho man siya o wala, kung may ipambubuhay man siya sakin kung sakaling mabuntis ako o wala. Ang mahalaga sakin, ma ay mahal ko siya at masaya ako sa kanya. Hindi importante sakin ang estado niya sa buhay." Sagot ko at ipinababa niya ng padabog ang kutsara't tinidor kaya itoy nahulog sa ilalim ng lamesa.

"Siya ba yung lalaking pinakilala mo sakin nung isang gabi?" tanong ni mama at tumango ako. Napahawak nalang si mama sa kanyang noo.

"Gusto ko siyang makausap." Dagdag niya

"Bakit?" tanong ko

"Kailangan ko siyang kausapin." Sagot ni mama

"Hindi mo na siya kailangang kausapin, ma."

"Matanda na ako. Alam ko ang ginagawa ko." Sagot ko

"Matanda? Matanda kana at alam mo na ang ginagawa mo? Kung matanda kana, bakit nasa poder pa kita ha? Bakit ako pa ang nagpapakain sayo kung matanda kana? Kung alam mo talaga ang ginagawa mo, unahin mo ang pag-aaral mo at hindi kung sino-sinong lalaki inaatupag mo. Hindi mo ba alam na bawal munang makipagsex kung hindi pa kayo kasal? Alam mo ba yan ha? Irespeto mo naman sarili mo, Irithel. Hindi kita pinalaki para ibigay ang sarili mo sa kung sino-sinong lalaki lang. Ayokong masaktan ka dahil ang puri at pagkababae ay iniingatan. Pero ano pang magagawa ko? Naibigay mo na. Ano pa magagawa ko kung hindi kita iningatan?" Sagot ni mama at parang biglang kumirot ang puso ko. Nasaktan ako sa sinabi ni mama.

"Eh bakit ba nandito tayo ma, in the first place?"

"Diba ikaw naman ang may gusto na lumipat tayo sa lintik na probinsya nato? Simula ng lumipat tayo dito nagkanda gulo-gulo na ang buhay ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam, kung bakit tayo nandito kahit ang tagal na natin dito. Hindi ko alam kung nandito ba talaga ako para mag-aral, para makakilala ng ibang nilalang na hindi naman tao, para mabago ang paniniwala ko. Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Ni sarili ko, hindi ko alam kung ako pa ba 'to? Unless, sabihin niyo sakin ang totoo. Anak niyo ba talaga ako? Bakit ako ang napili ni lolo na bibigyan ng anting-anting niya, para saan? Dahil ba alam niyo na kakaiba ang dugo ko? Bakit hindi niyo mismo sabihin sakin para alam ko? Para hindi na ako mahirapan sa paghahanap ng sagot. Para hindi na ako pahirapan ng curiousity ko. Ano, lo? Ma?" sagot ko at nakatingin lang sakin si mama. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata at ang pula ng kanyang mukha at alam ko nagpipigil lang siya ng sarili.

"Tama na yan." Pag-awat sa amin ni lolo at pinunasan ko ang aking luha. Hindi ko na nga makasama si Martis tapos pinag-aawayan pa namin siya ni mama. Lalo akong naaawa sa kanya dahil wala akong magawa. Kinuha ko nalang ang flashlight at kinuha ang kutsara't tinidor na nahulog at sa pagpatak ng luha ko sa sahig ay may nakita akong sulat sa semento. Sulat na kagaya ng nasa libro. Kaparehas na kaparehas talaga.

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon