KABANATA 16

26 1 0
                                    

(ANG PAGHAHANAP SA LIBRO NG HINAHARAP)

Hanggat maari kailangan kong bilisan kunin ang libro dahil kapag nagtagal pa sa pagiging asuwang ang kapatid ko. Kaming pamilya niya ang mapapahamak lalo nat galit na galit ang mga kabarangay ko sa nangyari sa mga hayop nila. Bago ako magtungo sa sementeryo, nagtungo muna ako sa simbahan. Nagdasal muna ako.

"Lord, gabayan mo po ako sa gagawin kong ito. Walang imposible sa lahat dahil ikaw ang kasama ko. Sana po maibalik na ang aking kapatid sa dati. Protektahan mo po ako at ilayo sa kapahamakan saan man ako magpunta. Amen." Kinuha ko ang empty bottle ng alcohol at nilagyan ito ng holy water. Bumili ako ng pala o shovel sa palengke atsaka nagtungo sa Boac Cemetery. Ha. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Nagtataka sila kung bakit ang magandang tulad ko ay may dalang pala.

Bumaba na ako sa tricycle.

"Anong gagawin mo diyan?" tanong ng driver

"Ahhh. Maghuhukay." sagot ko at natawa siya.

"Maghuhukay ka ng kayamanan? Eh puro buto ang nandiyan." sabi pa niya at binigyan na ako ng sukli.

"Mag-ingat ka. Mamaya, nandiyan na sila." dagdag pa nung driver at nag evil grin. Hindi ko nalang siya pinansin.

Wag kang matakot, Irithel. Kaya mo yan. Kaya mo yan. Nagtungo na ako sa libingan ni lola at habang tinatahak ko ang daan, para akong pinaninindigan ng balahibo dahil sa katahimikan. Sobrang tahimik, wala akong marinig. Parang tinatahak ko ang daan patungo sa langit. Narating ko na kung saan nakalibing si lola. Buti nalang tanda ko pa ang pwesto ng libingan niya.

In loving Memory of KARISA "utik" M. LANDIG (1864-2018)

Rest in peace lola pero kailangan ko tong gawin. Sana mapatawad mo ako. Sabi ko at hinalikan ang pangalan niya. Nakalimutan kong bumili ng bulaklak. Pasensya na talaga lola. Napansin ko ang kapanganakan ni lola. 1864?

Hindi ako magaling sa math pero 154 years old na si lola nung namatay siya? 154? Seryoso? Baka kaya tumagal siya ng ganyang taon kase may anting-anting din siya kagaya ni lolo. Pero imposible naman yon. Nevermind.

I started digging my grandmothers grave. Malambot lang ang lupa kaya madali lang para sakin ang maghukay. At habang naghuhukay ay napansin ko ang unti-unting pagdilim ng langit. Tagaktak na ang pawis ko. Mukhang uulan pa yata. Maya-maya, maraming uwak ang nagsisilaparan at nagpapaikot-ikot sa tapat ng ko. Binilisan ko ang paghuhukay. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig ang kamay ko sa takot. Syempre, mag-isa lang ako dito tapos may mga uwak pang naghuhunihan sa itim na ulap sa itaas.

Dalian mo, Irithel. Kailangan mong makuha ang libro. Nakikita ko na ang puting kabaong kaya nagpatuloy pa rin ako sa paghuhukay hanggang sa bumagsak na ang ulan.

"Shit pag minamalas talaga." wika ko

Pulapol na ako ng putik at malalim na rin ang nahuhukay ko. Lagpas dibdib ko na. Ang hirap ng hukayin ng kabaong ni lola dahil sa putik. Pero hindi ako nagpatinag, para ito sa kapatid ko. Para ito kay Alucard. Kahit mahirap, naghukay pa rin ako hanggang sa makita ko na ang bukasan ng kabaong. Binitiwan ko na ang pala at hingal na hingal ako sa pagod. Pagbukas ko ng kabaong ni lola, walang....laman? Wala ang katawan ni lola at wala rin ang libro. Hinanap ko sa lahat ng sulok pero wala talaga. Imposible.

Nasaan ang katawan ni lola at ang libro? Ang dulas na ng lupa at mapupuno na ng tubig ang hinukay kong lupa. Parang nagiging kumunoy na ang hinukay kong libingan ni lola. Pagtingin ko sa di kalayuan, may nakikita akong mga tao na nakabelong itim. Di lalagpas sila sa anim. Nakatahan sila at nakatingin sa akin. Shit. Sila na naman. Mga asuwang yan, alam ko.

Luha Ng BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon