Pagpasok namin sa bahay nila Kevin, muli na namang umiyak si Alex pati na ako. Sinilip namin siya sa kabaong at nakatitig lang kami sa hindi niya maitsurahang mukha dahil sa bakas ng lakas ng pagkabangga niya.
"Gumising ka diyan, pre." Umiiyak niyang sabi.
"Kayo ang kasama niyang pumuntang Barangay Night kagabi diba?" tanong ng nanay ni Kevin samin.
"Nasaan kayo sa mga oras na 'yun?"
"Nasa inuman pa rin po ako nun kaya hindi pa po ako umuwi kase hinahanap ko si Irithel. Pinagpipilitan niya po kagabi na uuwi siya e lasing na lasing po. Pinigilan ko siya tita pero ayaw niya magpapigil. Hindi man lang niya ako hinintay." Sabi ni Alex. Pinunasan ko ang luha ko at lumabas muna. Naglakad-lakad ako palayo sa bahay nila hanggang sa makarating ako sa sapa. Malapit lang 'to kana Kevin at kung susubaybayan mo ang daloy ng tubig ay magiging shortcut papunta sa bahay ni lolo. Tinatawag ko si Martis sa isip ko at isang segundo lang ay nasa tabi ko na siya. Katabi kong nakaupo sa malaking bato.
"Kaya ba inuwi mo na agad ako kagabi sa bahay dahil alam mong mangyayari 'yun?" tanong ko subalit hindi siya umimik.
"Diba?"
"Bakit hindi ka makasagot?" Tanong ko.
"Ikaw lang talaga dapat ang maliligtas." Sabi ni Martis.
"Si Kevin, oras na niya talaga para mamatay. Hindi mo na mababago ang nakasulat sa palad niya sa mga oras na iyon. Nagbigay na siya ng tanda na mamamatay na siya at alam kong nakita mo ang nasa likod niya. Hindi gaanong lasing si Alex pero kung hindi kita iniuwi sa bahay niyo, kasama kang naaksidente. May humarang sa inyong matandang babae na nakabelo na itim. Mawawala sa balanse sa pagmamaneho ang kaibigan mo at malakas na bumagsak ang kanyang ulo sa kalsada samantalang naipit ng napadaan na dyip ang binti mo. 'Yan dapat ang nangyari kagabi. Pero iniuwi kita kaya pati ang kaibigan mong may gusto sa'yo, nakaligtas." Paliwanag niya at nakatingin lang ako sa kanya.
"Noong papunta palang kayo sa sayawan, iniligtas ko na kayo." Dagdag pa niya. So, dapat pa pala akong magpasalamat sa kanya.
"Salamat." Sabi ko nalang at tumayo na.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na."
"Sige."
Pagkarating ko sa bahay, nahiga nalang ako at nagmukmok sa kwarto ko. Gusto kong sisihin ang sarili ko ng paulit-ulit kung bakit namatay si Kevin pero si Martis na mismo ang nagsabi na oras na niya talagang mamatay. Wala na akong magagawa. Kahit pa yata magpakamatay ako o lumuha ng dugo ay walang himala na mangyayari.
Inalis ko ang kwintas ko at ikinatagpo sa panaginip si Elfren. Natagpuan ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno ng manga habang pinapaligiran siya ng mga paru-paro. Umalis ang mga ito nang umupo ako sa tabi niya.
"Bakit nandito ka?" tanong niya.
"Wala. Gusto ko lang mapayapa." Sagot ko sa kanya at tumingin lang siya sakin. Tumingin ako sa asul na langit at tinanong siya.
"Kapag namatay ang mga engkanto, sa langit din ba mapupunta ang kaluluwa niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Kagaya niyong mga tao, hindi rin namin alam kung sa langit ba kami mapupunta o kung may langit para samin?" Sagot niya.
"Kapag namatay na, dun palang malalaman pero diko na makukwento 'yun sa'yo. Mas mauuna kayong mamamatay kesa samin." Dagdag pa niya.
"Pero kung sasama ka sakin, hindi ka mamamatay. Hindi ka maaaksidente dito, hindi ka malulungkot. Puro kaligayahan lang ang mararamdaman mo." Wika niya at ngumiiti lang ako.
Bigla akong nagising, nassa tabi ko si Martis at suot ko na ang kwintas.
"Bakit mo hinubad?" Tanong niya subalit hindi ako sumagot bagkus niyakap ko nalang siya at natulog na ako.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
Viễn tưởngHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.