Nakauwi na ako sa bahay. Nakangiti lang ako habang nagpapalit ng damit. Alam niyo 'yung pagkatapos nung karumal-dumal na nangyari kanina, masaya pa rin ako dahil sa kanya. I think, this is the real meaning of genuine happiness. Hindi ko maipaliwanag eh, basta alam ko lang masaya ako. Nahiga na ako sa aking kama at nakinig ng kanta.
Tell me something
When the rain falls on my face
How do you quickly replace it with
A golden summer smile?
Tell me something
When I'm feelin' tired and afraid
How do you know just what to say to make
Everything alright?
I don't think that you even realize
The joy you make me feel when I'm inside
Your universe
You hold me like I'm the one who's precious
I hate to break it to you but its just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one...
Inistop ko ang tugtog ng aking cellphone nang dumating si mama.
"Bakit si Alucard wala pa?" Tanong niya at napakunot ako ng noo. Diba dapat kanina pa siya nakauwi? Anong nangyari sa kanila ni Karina?
"Nasa birthdayan pa ba 'yun? Mag-aalas onse na oh. Ano pa ang sasakyan niya pauwi?" Tanong ni mama at napatayo ako. Tinawagan ko si Alucard subalit hindi naman siya sumasagot.
"Nasaan na kaya ang batang 'yun. Baka kung ano na ang nangyari dun." Pag-aalala ni mama.
"Tinatawagan ko siya pero hindi naman sumasagot." Sabi ko. Kinuha ko ang aking jacket at kahit na nakapantulog na ako ay lumabas ako ng bahay.
"Pasaan ka?" tanong ni mama.
"Pupuntahan ko si Alucard."
"Malalim na ang gabi. Baka sa kaklase niya na 'yun tumulog." Sabi ni mama
"Hindi ma. Babalik din agad ako." Sagot ko at sumulpot agad si Martis sa tabi ko. Nasa tapat kami ng malaking puno ng bulaksina.
"Alam mo ba kung nasaan sila?" Tanong ko.
"Nasa bahay nila Karina." Sagot niya.
"A-akala ko umuwi na sila. Anong nangyari?"
"'Yan ang hindi ko alam. Puntahan nalang natin sila sa bahay nila tiya." Sabi ni Martis at nagtungo na nga kami. Papasok na sana ako sa bahay nang pigilan niya ako. Gawa sa kawayan ang bahay nila at ang bubong ay surilap o dahon ng niyog. Pumunta kami sa silong at tiningnan sa taas si Karina at Alucard. Nandoon nga sila. Nagitla ako sa biglang pagbukas ng pinto at iniluwa nun ang mga magulang ni Karina. Hindi naman nila kami nakikita dahil madilim, wala rin silang kuryente at lampara lang ang gamit.
"Huwag na huwag mong palalabasin ang batang 'yan kundi ikaw ang malilintikan sakin."
"Hindi ka ba naaawa sa kanya? Mismong anak mo pinapatay ng iyong ina." Sabi ng nanay ni Karina.
"Wag kang maawa sa taong hindi marunong sumunod ng patakaran." Sabi ng tatay ni Karina at umalis na siya. Pumasok naman sa loob ng bahay ang nanay ni Karina. Tiningala namin ang itaas na parte ng bahay at naaaninag ko si Alucard. Kandong niya sa braso niya si Karina.
BINABASA MO ANG
Luha Ng Buwan
FantasiHindi niya alam na ang misteryosong buwan na lagi niyang tinitingnan ay ang lalaking mahal niya.